EUVIMEDObjevte EUVIMED
Crossref

Kasanayan sa Komprehensiyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Panitikang Rehiyunal sa Pagbuo sg Interkultural na Modyul

International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR) · 2025

DOI: 10.63498/etcor280 ↗

At a glance

Journal article in International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR), 2025. Cited 1 times so far (Crossref).

AbstraktBibliografické údajeCiteRelated studies

Abstract (original language)

Layunin: Ang pag-aaral ay naglalayong malaman ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral, makabuo ng Interkultural na Modyul ng Panitikang Rehiyunal bilang kagamitang pampagtuturo sa pagtuturo ng Filipino, malapatan ng balidasyon at malaman ang antas ng pagtanggap ng mga mag-aaral at guro sa nabuong kagamitang pampagtuturo sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Gayonga sa taong panuruan 2024-2025.Metodolohiya: Upang maisakatuparan ang layunin, ginamit ang Stratified Sampling sa paghahati ng populasyon sa stratum batay sa magkakatulad na katangian ng mga miyembro upang mabuo ang pinal na sample.Ang napiling mga mag-aaral ay nagmula sa etnolingguwistikong pangkat ng Cebuano Hiligaynon, Ilocano, Lumad at Maguindanaon na may kabuuang bilang na talumpung (30) respondente.Ginamitan ng disenyong Research and Development (R and D) na sangkot ang pagsusulit, balidasyon at pagtanggap sa kagamitang pampagtuturo.Inalam ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral, antas ng balidasyon; pagtanggap ng mga guro at magaaral sa nabuong kagamitang pampagtuturo gamit ang descriptive statistics.Dagdag, ginamit din ang t-Test: Two-Sample Assuming Equal Variances upang ihambing ang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pagtanggap ng mga guro at mag-aaral sa nabuong interkultural na modyul.Resulta: Natuklasan na ang antas ng komprehensyon na may pinakamababang mean ay ang kritikal na sinundan ng Interpretatibo kasunod nito ay ang Literal samantalang nakakuha naman ng mataas na mean ang antas Integratib.Sa antas naman ng balidasyon, may paglalarawang Lubos na tinanggap.Dagdag pa, sa pagtanggap naman ng mga guro at mag-aaral ay may parehong paglalarawan na tinanggap o nakamit ang inaasahang pamantayan.Sa ibang banda, may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pagtanggap ng mga guro at mag-aaral sa Interkultural na modyul bilang kagamitang pampagtuturo sa pagtuturo ng panitikang rehiyunal sa baitang 7. Konklusyon: Samakatuwid, maaaring gamitin ang nabuong Interkultural na Modyul sa pagtuturo ng Filipino lalo na sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Komprehensyon.Sa kabuoan, sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral ay may malaking gampanin ang guro lalo na sa paghubog sa antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral na aangkla sa kahingian ng bagong kurikulum.

Cite

APA

(2025). Kasanayan sa Komprehensiyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Panitikang Rehiyunal sa Pagbuo sg Interkultural na Modyul. International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR). https://doi.org/10.63498/etcor280

Vancouver

Kasanayan sa Komprehensiyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Panitikang Rehiyunal sa Pagbuo sg Interkultural na Modyul. International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR). 2025. doi:10.63498/etcor280

BibTeX
@article{euvimed2025,
  title = {Kasanayan sa Komprehensiyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Panitikang Rehiyunal sa Pagbuo sg Interkultural na Modyul},
  journal = {International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR)},
  year = {2025},
  doi = {10.63498/etcor280}
}
Start for free →