Kasanayang Panglingguwistika ng mga Mag-Aaral sa Pagbuo ng mga Akademikong Sulatin sa Gitna ng mga “Slang” na Wika
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 05.11.2026 · 1 (2) · 45-53
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.9 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, online erschienen am 05.11.2026. Verfasst von Maricris Bautista Ladines. Die Arbeit nennt 44 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Nilalayon ng pag-aaral na suriin ang ugnayan ng paggamit ng makabagong slang at kasanayang panglingguwistika ng mga mag-aaral sa pagbuo ng akademikong sulatin, partikular sa talasalitaan, gramatika, kohesyon at koherensiya, at kayarian. Nakaangkla ito sa Sociolinguistic Variation Theory, Register Theory, Structural Linguistics, at Language Acquisition Device. Ginamit ang explanatory sequential mixed-method design na may deskriptibo-korelasyonal na pagsusuri at kuwalitatibong panayam. Lumahok ang 188 mag-aaral ng Senior High School sa Gulang-Gulang National High School, Lucena City, habang 18 ang sumailalim sa karagdagang panayam. Gumamit ng talatanungan, pagtataya sa pagsulat, rubrik, at gabay sa panayam. Natuklasan na 54% ng mga kalahok ang gumagamit ng slang araw-araw, pangunahin sa social media at pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Naitala ang higit sa katamtamang kasanayan sa talasalitaan (M = 7.18), katamtamang kasanayan sa gramatika (M = 6.04) at kayarian (M = 5.67), at mababang kasanayan sa kohesyon at koherensiya (M = 4.59). Lumitaw ang makabuluhang negatibong ugnayan ng dalas ng paggamit ng slang at kasanayang panglingguwistika (r = −0.77, p < .001), bagama’t hindi ito nagpapatunay ng sanhi at bunga. Ipinasiya na mahalagang balansehin ang malikhaing paggamit ng slang at mga pamantayan ng akademikong pagsulat. Inirerekomenda ang paggamit ng “Lingguwistika sa Gitna ng Slang” Learning Kit, pagsasanay sa pormal na pagsulat, at responsableng paggamit ng digital na komunikasyon. Nakaayon ang pag-aaral sa Sustainable Development Goal 4 (De-kalidad na Edukasyon) sa pagsusulong ng kasanayang pangwika at kalidad ng pagkatuto. Nagbibigay ito ng potensiyal na ambag sa likas-kayang pag-unlad ng edukasyon at pagpapanatili ng kulturang pangwika sa makabagong digital na kapaligiran.
Zitieren
APA
Ladines, M. B. (2026). Kasanayang Panglingguwistika ng mga Mag-Aaral sa Pagbuo ng mga Akademikong Sulatin sa Gitna ng mga “Slang” na Wika. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 1(2), 45-53. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.9
Vancouver
Ladines MB. Kasanayang Panglingguwistika ng mga Mag-Aaral sa Pagbuo ng mga Akademikong Sulatin sa Gitna ng mga “Slang” na Wika. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026;1(2):45-53. doi:10.65339/talos.v1.i2.9
BibTeX
@article{Ladines2026,
author = {Ladines, Maricris Bautista},
title = {Kasanayang Panglingguwistika ng mga Mag-Aaral sa Pagbuo ng mga Akademikong Sulatin sa Gitna ng mga “Slang” na Wika},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
volume = {1},
number = {2},
pages = {45--53},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.9}
}
EUVIMED