Kasanayan sa pagbabantas, pagbabaybay, kapitalisasyon, at kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap ng mga mag-aaral sa Grado 2
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (4)
DOI: 10.69651/pijhss05041653 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Yena May Fatiga.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbabantas, pagbabaybay, at kapitalisasyon, gayundin ang kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap ng mga mag-aaral sa Grado 2 ng Sta. Cruz Elementary School, Dumalag, Capiz, sa Taong Panuruan 2025–2026. Ginamit ang deskriptibong korelasyonal na disenyo ng pananaliksik na nilahukan ng tatlumpu’t pitong (37) mag-aaral mula sa dalawang seksyon sa pamamagitan ng complete enumeration. Ang mga datos ay nakalap gamit ang mga pagsusulit na binuo ng mananaliksik, na binubuo ng dalawampung (20) aytem para sa bawat baryabol at sumailalim sa balidasyon at pilot testing. Sinuri ang mga datos gamit ang frequency count, percentage, mean, standard deviation, at Pearson r sa antas ng kabuluhang 0.05. Ipinakita ng mga resulta na ang mga mag-aaral ay may mahusay na antas ng kasanayan sa pagbabantas (M=13.59, SD=2.29), pagbabaybay (M=13.38, SD=2.70), at kapitalisasyon (M=12.89, SD=2.56). Gayundin, naitala ang mahusay na antas ng kahusayan sa pagsulat ng parirala (M=12.78, SD=2.21) at pangungusap (M=13.16, SD=2.33). Natuklasan ang makabuluhang positibong ugnayan sa pagitan ng pagbabantas at pagbabaybay (r=0.398, p=0.015), pagbabantas at pagsulat ng pangungusap (r=0.482, p=0.003), at pagbabaybay at pagsulat ng pangungusap (r=0.423, p=0.009). Samantala, walang makabuluhang ugnayan ang iba pang pares ng baryabol, partikular ang kapitalisasyon at kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap. Ipinahihiwatig ng mga natuklasan na bagama’t mahusay ang pangkalahatang kasanayan ng mga mag-aaral, magkakaiba ang antas ng pagkakaugnay ng mga mekaniks sa pagsulat at kanilang kakayahang bumuo ng parirala at pangungusap. Samakatuwid, inirerekomenda ang pagpapatuloy ng sistematiko, integratibo, at angkop na mga estratehiya sa pagtuturo, kasabay ng regular na pagsasanay at paggabay ng mga guro at magulang, upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa wika at kahusayan sa pagsulat ng mga mag-aaral.
Zitieren
APA
Fatiga, Y. M. (2026). Kasanayan sa pagbabantas, pagbabaybay, kapitalisasyon, at kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap ng mga mag-aaral sa Grado 2. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(4). https://doi.org/10.69651/pijhss05041653
Vancouver
Fatiga YM. Kasanayan sa pagbabantas, pagbabaybay, kapitalisasyon, at kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap ng mga mag-aaral sa Grado 2. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(4). doi:10.69651/pijhss05041653
BibTeX
@article{Fatiga2026,
author = {Fatiga, Yena May},
title = {Kasanayan sa pagbabantas, pagbabaybay, kapitalisasyon, at kahusayan sa pagsulat ng parirala at pangungusap ng mga mag-aaral sa Grado 2},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {4},
doi = {10.69651/pijhss05041653}
}
EUVIMED