EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Pagsusuri sa kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan: Mungkahi sa pagtuturo ng Filipino

Jorhea Mae Paot

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)

DOI: 10.69651/pijhss0502996 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Jorhea Mae Paot.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang antas ng kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan at makabuo ng mga mungkahi upang mapabuti ang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Gumamit ang mananaliksik ng mixed method na disenyo na kinapapalooban ng kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan ng pangangalap ng datos. Ang mga tagatugon ng pag-aaral ay tatlumpung (30) mag-aaral mula sa ika-walong baitang ng Southern Tinglayan National High School. Ang pangunahing instrumentong ginamit ay isang sariling-gawang talatanungan na dumaan sa pilot testing upang matiyak ang kalinawan at kaangkupan ng mga pahayag. Ang mga datos ay sinuri gamit ang frequency, percentage, at weighted mean upang matukoy ang antas ng kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan at ang mga salik na nakaaapekto rito. Batay sa resulta ng pag-aaral, lumitaw na ang karamihan sa mga mag-aaral ay nasa katamtamang antas ng kabatiran sa wika at panitikan. Sa aspeto ng wika, mas maraming mag-aaral ang nasa antas na walang-gaanong kabatiran, samantalang sa panitikan ay mas maraming mag-aaral ang nasa antas na may kabatiran. Ipinakita rin ng resulta na ang mga babaeng mag-aaral ay may bahagyang mas mataas na antas ng kabatiran kumpara sa mga lalaking mag-aaral. Sa pagsusuri ng mga salik na nakaaapekto sa kabatiran, natuklasan na ang salik pampaaralan at pampersonal ang may pinakamalaking impluwensiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral, habang ang salik pampamilya ay may mas mababang epekto. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na mahalagang paigtingin ang mga estratehiya sa pagtuturo, integrasyon ng teknolohiya, at paggamit ng makabagong kagamitang panturo upang higit na mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.

Zitieren

APA

Paot, J. M. (2026). Pagsusuri sa kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan: Mungkahi sa pagtuturo ng Filipino. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss0502996

Vancouver

Paot JM. Pagsusuri sa kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan: Mungkahi sa pagtuturo ng Filipino. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss0502996

BibTeX
@article{Paot2026,
  author = {Paot, Jorhea Mae},
  title = {Pagsusuri sa kabatiran ng mga mag-aaral sa wika at panitikan: Mungkahi sa pagtuturo ng Filipino},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {2},
  doi = {10.69651/pijhss0502996}
}
Kostenlos starten →