EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Kasanayan ng mga mag-aaral sa Pagsasaling-wika: Batayan sa pag-usbong ng wikang Filipino

Reizzalyn Joy Balinte

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)

DOI: 10.69651/pijhss05021042 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Reizzalyn Joy Balinte.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang lebel ng kahusayan ng mga mag-aaral sa Ikasampung Baitang ng Limos National High School sa pagsasaling wika ng wikang Filipino at wikang Ingles, pati na rin ang mga aspektong nagpapahirap sa kanila at ang mga mungkahing interbensyon. Ginamit ang metodong kwantitatibo na deskriptibo at ang total enumeration bilang sampling technique na may kabuuang apatnaput pitong (47) tagatugon. Ang mga instrumento ay binubuo ng pagsusulit sa pagsasalin ng Filipino patungong Ingles, Ingles patungong Filipino, at pagsasalin ng mga idiom o patayutay na salita, pati na rin ang pakikipanayam sa mga mag-aaral. Natuklasan na ang pangkalahatang lebel ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsasaling wika ay di-gaanong mahusay, batay sa mean performance score na 19.01. Lumabas sa estadistikal na pagsusuri na may makabuluhang pagkakaiba sa kahusayan ayon sa kasarian at trabaho ng mga magulang, ngunit walang makabuluhang pagkakaiba ayon sa kaayusan ng kapanganakan. Natukoy ang tatlong pangunahing aspektong nagpapahirap sa pagsasaling wika: ang aspektong pampersonal, tulad ng kawalan ng interes sa asignaturang Filipino at kahinaan sa wikang Filipino at Ingles; ang aspektong pampaaralan, kabilang ang kakulangan ng mga kagamitan, limitadong oras sa pagtuturo, at kulang na pagsasanay; at ang aspektong pampamilya, na kinabibilangan ng mababang antas ng edukasyon ng mga magulang at kawalan ng suporta sa akademikong wika. Bilang tugon, nagmungkahi ang mananaliksik ng komprehensibong interbensyon plan na sumasaklaw sa mga seminar, lingguhang pagsasanay, peer review, malikhaing pagsasalin, at portfolio presentation

Zitieren

APA

Balinte, R. J. (2026). Kasanayan ng mga mag-aaral sa Pagsasaling-wika: Batayan sa pag-usbong ng wikang Filipino. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021042

Vancouver

Balinte RJ. Kasanayan ng mga mag-aaral sa Pagsasaling-wika: Batayan sa pag-usbong ng wikang Filipino. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021042

BibTeX
@article{Balinte2026,
  author = {Balinte, Reizzalyn Joy},
  title = {Kasanayan ng mga mag-aaral sa Pagsasaling-wika: Batayan sa pag-usbong ng wikang Filipino},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {2},
  doi = {10.69651/pijhss05021042}
}
Kostenlos starten →