KASANAYANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL
Knowledge Commons (Lakehead University) · 01.01.2024
DOI: 10.17613/35hvd-mem32 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Knowledge Commons (Lakehead University), erschienen am 01.01.2024. Verfasst von Pumahing und 1 weiteren Autor:innen. Die Arbeit wurde bisher 1-mal zitiert (Crossref).
Abstract (Originalsprache)
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy at masuri ang kahandaan, mga hamon at solusyon sa kasanayang pagbasa sa Filipino ng mga mag-aaral. Ginamitan ito ng deskriptibong pamamaraan. Ang pag-aaral ay isinagawa sa Tocmo Integrated School, Itogon, Benguet sa panuruang taon ng 2022-2023 na may kabuuang bilang dalawampu't apat (24) na mga mag-aaral mula sa ika-sampung baitang bilang tagatugon. Ginamit ang talatanungan sa pag-aaral para sa kinakailangang datos at ito ay sinuri batay sa kinalabasan gamit ang frequency, weighted mean, at pagraranggo. Ang sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Pinaghandaan ng mga mag-aaral ang mga kahandaan sa kasanayang pagbasa sa Filipino. Seryoso ang mga hamong hinaharap ng mga mag-aaral sa paghawan ng sagabal sa mga akda. Napakaepektibo ang Solusyon sa mga mag-aaral dahil Pinaghandaan ang kahandaan sa kasanayang pagbasa sa Filipino. Mula sa kinalabasan nito, ang mga sumusunod na konklusyon Pag-ibayuhing panatilihin ang ginawang paghahanda ng mga mag-aaral sa kasanayang pagbasa sa Filipino sa pamamagitan ng pagtiyak muna sa kahandaan sa pagbasa bago turuan sa pormal na pagbasa. Anumang galing at pagsisikap ng guro, hindi matututong bumasa ang mag-aaral na wala pang kahandaan sa pagbasa. Pagsasagawa ng team teaching ng dalawa o higit pang mga guro. Pag-iba-ibahin ang paraan, hindi lamang pamaraang pabuod at pamaraang pasaklaw, hindi lamang pamaraang pabalak, pamaraang pasuliranin at pagtuturong pangkatan, gumamit din ng pamaraang patuklas, aliwang paglalakbay, araling pagpapahalaga at pagdulog konseptwal. Gawing masining at kasiya-siyang karanasan ang kasanayan sa pagbasa. Kaiga-igaya at kasiya-siya para sa pag-aarala ang bumigkas ng tula, ang makilahok sa mga sabayang bigkasan, ang makisali sa mga kwentuhan at mga dula, ang lumikha ng mumunting tugma o tula, ang kumatha ng isang akda o kaya ay bumigkas ng isang talumpati. Lalo pang sumisigla ang mga gawaing ito, kung magdaraos ng mga patimpalak sa pagbasa.
Schlagwörter
Zitieren
APA
Pumahing, & T., J. (2024). KASANAYANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL. Knowledge Commons (Lakehead University). https://doi.org/10.17613/35hvd-mem32
Vancouver
Pumahing, T. J. KASANAYANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL. Knowledge Commons (Lakehead University). 2024. doi:10.17613/35hvd-mem32
BibTeX
@article{Pumahing2024,
author = {Pumahing and T., Jingky},
title = {KASANAYANG PAGBASA SA FILIPINO NG MGA MAG-AARAL},
journal = {Knowledge Commons (Lakehead University)},
year = {2024},
doi = {10.17613/35hvd-mem32}
}
EUVIMED