Pagtataya sa epekto ng integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika sa Junior at Senior High School
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss0502947 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Ruth Ann Valera.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay nagtaya sa epekto ng integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika sa mga guro sa Junior at Senior High School. Partikular, sinuri ang antas ng paggamit ng teknolohiya ng mga guro, ang positibong epekto nito sa kasanayan sa wika, at ang mga suliraning nararanasan sa paggamit ng mga digital tools sa pagtuturo. Gumamit ang pag-aaral ng mixed-methods na disenyo, kung saan 30 guro ang naging kalahok. Nakalap ang kwantitatibong datos gamit ang estrukturadong talatanungan na tumukoy sa paggamit ng digital instructional materials, learning management systems (LMS), online platforms, at teknolohiyang pantulong sa pagtataya. Samantala, nakalap ang kwalitatibong datos sa pamamagitan ng semi-structured na panayam upang suriin ang karanasan ng guro, kumpiyansa, at mga hamong nararanasan sa paggamit ng teknolohiya. Ipinakita ng resulta na ang mga guro ay may katamtamang antas ng paggamit ng digital materials at LMS, ngunit mataas ang kumpiyansa at kahandaan sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Natuklasan ding positibong naimpluwensyahan ng teknolohiya ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa, pagsulat, pakikinig, at pagsasalita, sa pamamagitan ng pagpapataas ng interes, pag-unawa, at kakayahang makipagkomunika. Gayunpaman, kinaharap ng mga guro ang suliranin tulad ng limitadong kagamitan at koneksyon sa internet, kakulangan sa kaalaman at training sa ICT, at hamon sa pamamahala ng online assessments at partisipasyon ng mag-aaral. Ipinapakita ng pag-aaral na may malaking potensyal ang integrasyon ng teknolohiya sa pagpapabuti ng pagkatuto sa wika, ngunit nakadepende ang bisa nito sa kakayahan ng guro, partisipasyon ng mag-aaral, at suporta ng institusyon. Inirerekomenda ang pagsasanay para sa guro, pagbibigay ng ICT resources, pagpapaunlad ng standardized digital assessment tools, at implementasyon ng interaktibo at student-centered na e-learning strategies.
Zitieren
APA
Valera, R. A. (2026). Pagtataya sa epekto ng integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika sa Junior at Senior High School. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss0502947
Vancouver
Valera RA. Pagtataya sa epekto ng integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika sa Junior at Senior High School. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss0502947
BibTeX
@article{Valera2026,
author = {Valera, Ruth Ann},
title = {Pagtataya sa epekto ng integrasyon ng teknolohiya sa pagtuturo ng wika sa Junior at Senior High School},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss0502947}
}
EUVIMED