Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss05021118 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Kimberly Billones.
Abstract (Originalsprache)
Isinagawa ang quasi-experimental na pag-aaral na ito upang matukoy ang epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baiting 11. Inalisa ang pag-aaral na ito upang malaman kung mayroon bang epekto ang interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baiting 11. Ang mga naging respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula sa baitang 11 ng Commissioner Luis R. Asis National High Scool, Panay, Capiz na nakapagtala Taong Panuruan 2025-2026. Ang kabuuang kalahok sa pag-aaral na ito ay nagmula sa dalawang seksyon ng strand ng GAS, seksyon B at C na mag-aaral sa baitang 11. Ginamitan ng purposive sampling ang pag-aaral na ito na personal na pinili ng mananaliksik at hinati sa dalawang grupo; pangkat A at pangkat B. Unang kinuha at itinalaga ang pangkat A bilang eksperimental na grupo at ang pangkat B bilang kontrol na grupo. Ang eksperimental na grupo ay binuo ng parehong bilang ng mga kalahok sa kontrol na grupo. Ginamit ang tradisyunal na pagtuturo sa kontrol na grupo habang sa eksperimental na pangkat ay ginamitan ng interaktibong pagtuturo. Sa ganitong paraan natukoy o nalaman ang epekto ng interaktibong pagtuturo. Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang tradisyunal at interaktibong pagtuturo. Samantala, ang di-malayang baryabol ay ang kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baitng 11. Ang mga kagamitang pang-istadistika na ginamit sa pag-aaral na ito ay ang mean at standard deviation. Bukod dito, para sa inferential analysis, ang t-test para sa ipinares at independiyenteng mga sample na itatakda sa 0.05 alpha na antas ng kahalagahan ay ginamit upang subukan ang pagkakaiba. Samantala, ang Cohen's d ay ginamit upang matukoy ang laki ng epekto ng interaktibong pagtuturo. Sa pananaliksik na ito nalaman na “kasiya-siya” ang antas ng kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baitang 11 sa paunang pagsusulit ng control at eksperimental na pangkat. Sa kabilang banda, sa panghuling pagtataya at pagsusulit, ng eksperimental na grupo ay nagbigay ng “katamtaman” sa kontrol at "mahusay" sa ekspiremental na grupo. Natuklasan din na walang makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa mga paunang pagsusulit ng kontrol at eksperimental na grupo. May makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa pauna at huling pagsusulit ng eksperimental na grupo, sa pabor ng panghuling pagsusulit. Bukod dito, may makabuluhang pagkakaiba sa pagganap ng kontrol na grupo sa mga pauna at panghuling pagsusulit sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa, sa pabor din ng panghuling pagsusulit. Natukoy din na may makabuluhang pagkakaiba sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa pagnhuling pagsusulit ng kontrol at eksperimental na grupo, sa pabor ng eksperimental na grupo at may "katamtamang" epekto ang interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa baitang 11.
Zitieren
APA
Billones, K. (2026). Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021118
Vancouver
Billones K. Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021118
BibTeX
@article{Billones2026,
author = {Billones, Kimberly},
title = {Epekto ng interaktibong pagtuturo sa kasanayan sa pag-unawa sa tekstong binasa ng mga mag-aaral sa Baitang 11},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss05021118}
}
EUVIMED