EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Kabisaan ng Bridging Strategy sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Ponolohikal ng mga Mag-aaral sa Piling Paaralan sa Distrito ng Bambang I

Chyntia Cardenas, Laila Hernandez

The International Review of Multidisciplinary Research · 12.06.2026 · 1 (8) · 90-98

DOI: 10.67167/vertex.464 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift The International Review of Multidisciplinary Research, online erschienen am 12.06.2026. Verfasst von Chyntia Cardenas und 1 weiteren Autor:innen.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay naglayong suriin ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral ng Baitang 1 batay sa kanilang kamalayang ponolohikal at alamin ang epekto ng Bridging Strategy sa pagpapaunlad ng kanilang kasanayan sa literasi. gumamit ng deskriptibong kwantitatibo at kwalitatibong disenyo na may experimental approach upang masukat ang antas ng kasanayan bago at pagkatapos ng implementasyon ng Bridging Strategy. Kasama rin sa pag-aaral ang pagsusuri sa mga hamon na nararanasan ng mga guro sa paggamit ng nasabing pedagogical approach. Bago ang implementasyon ng Bridging Strategy, karamihan sa mga mag-aaral (85%) ay nasa antas ng katamtamang husay, samantalang 5% lamang ang mahusay at 10% ang mahina. Pagkatapos ng paggamit ng Bridging Strategy, 65% ng mga mag-aaral ang nakamit ang napakahusay na antas at 35% ang mahusay, na nagpapakita ng malinaw na pag-unlad sa kanilang literacy skills. Ipinakita rin ng dependent t-test ang makabuluhang pagkakaiba sa pretest at posttest scores (t = 11.46, p < 0.001), na nagpapatunay sa bisa ng Bridging Strategy sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Natukoy din ang tatlong pangunahing hamon sa paggamit ng Bridging Strategy ng mga guro na kinabibilangan ng kakulangan sa kasanayan ng guro sa lokal na wika, lingguwistikong pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral at hamon sa paglipat ng kaalaman. Ang mga hamong ito ay nagpapahiwatig ng pangangailangan para sa sapat na instructional resources at patuloy na propesyonal na pagsasanay ng mga guro upang mas epektibong maisakatuparan ang learner-centered approach. Batay sa mga natuklasan, inirerekomenda ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng Bridging Strategy, regular na pagtatasa ng kasanayan sa pagbasa, paggamit ng learner-centered at contextualized na pamamaraan, at pagbibigay ng sapat na suporta at pagsasanay sa mga guro. Mahalaga rin ang kolaborasyon ng mga administrador, komunidad, at Department of Education upang mapalakas ang implementasyon at maipamahagi sa iba pang paaralan.

Zitieren

APA

Cardenas, C., & Hernandez, L. (2026). Kabisaan ng Bridging Strategy sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Ponolohikal ng mga Mag-aaral sa Piling Paaralan sa Distrito ng Bambang I. The International Review of Multidisciplinary Research, 1(8), 90-98. https://doi.org/10.67167/vertex.464

Vancouver

Cardenas C, Hernandez L. Kabisaan ng Bridging Strategy sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Ponolohikal ng mga Mag-aaral sa Piling Paaralan sa Distrito ng Bambang I. The International Review of Multidisciplinary Research. 2026;1(8):90-98. doi:10.67167/vertex.464

BibTeX
@article{Cardenas2026,
  author = {Cardenas, Chyntia and Hernandez, Laila},
  title = {Kabisaan ng Bridging Strategy sa Pagpapaunlad ng Kamalayang Ponolohikal ng mga Mag-aaral sa Piling Paaralan sa Distrito ng Bambang I},
  journal = {The International Review of Multidisciplinary Research},
  year = {2026},
  volume = {1},
  number = {8},
  pages = {90--98},
  doi = {10.67167/vertex.464}
}
Kostenlos starten →