EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

PAGKAWALA NG WIKANG SURIGAWNON SA SUSUNOD NA TALUMPUNG (30) TAON: SANLIGAN PARA SA MGA INISYATIBANG INTERBENSYONG PANGWIKA

Eliza Bayang

LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 09.05.2026

DOI: 10.65494/ppsluntian.2 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 09.05.2026. Verfasst von Eliza Bayang. Die Arbeit nennt 45 Literaturangaben.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Abstrak Ang pag-aaral ay naglalayong tuklasin ang kalagayan ng wikang Surigawnon sa lalawigan ng Surigao del Norte bilang saligan sa alinmang inisyatibang ipapatupad para sa pagpapanatili ng unang wika sa lugal. Disenyong deskriptibo ang ginamit at kumbinasyong kwali-kwanti sa tulong ng sosyolingwistikong pagsusuri, sa triangulation na subok: pakikipanayam, pag-oobserba (FGD), at wordlists- talatanungan. Sinusuri dito ang pag-uugali sa paggamit ng wika (language attitude), domenyo at sanhi ng impluwensiya. May kabuuang 1,050 na impormante at tagatugon. Purposive sampling method para sa pakikipanayam 33-210 impormanteng Surigaonon na may edad mula 18-50 pataas sa bawat munisipalidad. Samantalang quota sampling naman sa target na 1,050 mga tagatugong sumasagot ng wodrdlist-talatanungan. Ang mga datos ay tinuos gamit ang Multiple Correspondence Analysis, frequency at Percentage. Napag-alamang mas dominante pa rin ang wikang Surigawnon sa 63.9% ang gumagamit ng wikang Surigawnon bilang unang wika; samantalang 36.1%. Ang pangunahing sanhi nito ay ang pandarayung hanapbuhay ng pagsasaka at pangingisda, ng mga migranteng Boholano, Cebuano, Leyteño. Naging banta rin sa kasalukuyan ang pagmimina at negosyo na nagpapahina ng katatagan sa unang wika. Ang pag-uugali sa paggamit ng wikang Surigaonon ispikirs ay nailarawang 55% ang aktwal na laging nagsasalita ng wikang Surigawnon; 15% bilang okasyonal lamang; at 30% ang nagsabing naiintindihan lang nila ngunit di sinasalita. Sanhi nito ay ang patuloy na pakikipagsapalaran sa trabaho, pag-aasawa, at mataas na pinag-aralan. Sa domenyong pangwika, ang Wikang Cebuano ay ginagamit sa mga pahayagan at iba pang pormal na dokumentong komunikasyon, panradyo, pormal na pagtitipon at sa mga di kakilalang taong kausap. Wikang Surigawnon naman ang ginagamit para sa kakilalang kausap subalit kailanman hindi bilang panulat. At sa pamamagitan ng Multiple Correspondence Analysis, sinabing tatlumpung (30) taon mula ngayon ay maaaring mawawala na ang wikang Surigawnon dahilan sa matatanda na lamang ang nagsasalita ng purong wikang Surigawnon na nasa edad 50 - 60 pataas. At kung mamamatay na sila, tiyak na mamamatay na rin ang wikang Surigawnon. Inirekomenda na patuloy ang programang pangwika at inisyatiba sa pagbuo ng ordinansa na ipapatupad sa lahat ng sektor na magsalita at sumulat ng unang wikang Surigawnon. Susing salita: pag-uugali sa paggamit, pagkawala, identidad, Surigawnon at interbensyon

Zitieren

APA

Bayang, E. (2026). PAGKAWALA NG WIKANG SURIGAWNON SA SUSUNOD NA TALUMPUNG (30) TAON: SANLIGAN PARA SA MGA INISYATIBANG INTERBENSYONG PANGWIKA. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.2

Vancouver

Bayang E. PAGKAWALA NG WIKANG SURIGAWNON SA SUSUNOD NA TALUMPUNG (30) TAON: SANLIGAN PARA SA MGA INISYATIBANG INTERBENSYONG PANGWIKA. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.2

BibTeX
@article{Bayang2026,
  author = {Bayang, Eliza},
  title = {PAGKAWALA NG WIKANG SURIGAWNON SA SUSUNOD NA TALUMPUNG (30) TAON: SANLIGAN PARA SA MGA INISYATIBANG INTERBENSYONG PANGWIKA},
  journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
  year = {2026},
  doi = {10.65494/ppsluntian.2}
}
Kostenlos starten →