Epekto ng modernisasyon sa pag-unlad ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss0502887 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Gretchen Abbalnog.
Abstract (Originalsprache)
Sa mabilis na pag-usbong ng mga modernong teknolohiya, malaki ang epekto ng modernisasyon sa edukasyon, lalo na sa pag-aaral ng wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Junior High School. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang siyasatin ang naging epekto ng modernisasyon sa pag-unlad ng Wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito ay ginamit ng mananaliksik ang metodong kwalitatibo at mga tagatugon sa pag-aaral ay kinabibilangan ng tatlumpu’t siyam (39) na mag-aaral sa ikasampung baitang (Grade 10). Ipinapakita ng mga datos na ang pagpapahalaga sa wika at ang modernisasyon sa pag-unlad ng Wikang Filipino ay may positibong epekto sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa tulong ng teknolohiya, internet, at iba pang makabagong kasangkapan sa pagtuturo, lumalawak ang kanilang kaalaman at nahuhubog ang kanilang kabutihang-asal. Ang modernisasyon ay nagpapahusay at nagpapalalim sa tatlong pangunahing kasanayan: Pagsasalita, Pagbasa, at Pagsulat. Bukod pa rito, naipakita rin sa saloobin ng mga tagatugon ang impluwensiya ng mga social media platform at AI sa pagbabago ng wika. Habang sila ay aktibong nakikibahagi sa mga gawain sa klase, natututo silang pahalagahan ang sariling wika. Ang ganitong pamamaraan ay tumutugma sa layunin ng K-12 curriculum upang palakasin ang kontekstwalisadong pagtuturo sa Filipino. Ang mga rekomendasyon ay tinalakay sa papel.
Zitieren
APA
Abbalnog, G. (2026). Epekto ng modernisasyon sa pag-unlad ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss0502887
Vancouver
Abbalnog G. Epekto ng modernisasyon sa pag-unlad ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss0502887
BibTeX
@article{Abbalnog2026,
author = {Abbalnog, Gretchen},
title = {Epekto ng modernisasyon sa pag-unlad ng wikang Filipino sa pag-aaral ng mga mag-aaral},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss0502887}
}
EUVIMED