Paggamit ng think-aloud protocol teknik sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa mga piling parabula
International Journal of Research Studies in Education · 21.11.2026 · 15 (25) · 47
DOI: 10.5861/ijrse.2026.26481 ↗Kurz gefasst
Studienprotokoll in der Zeitschrift International Journal of Research Studies in Education, online erschienen am 21.11.2026. Verfasst von Edsel A. Ogoc. Die Arbeit nennt 22 Literaturangaben.
Abstract (Originalsprache)
Sinuri ng pag-aaral na ito ang epekto ng Think-Aloud Protocol Teknik sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa mga piling parabula ng mga mag-aaral. Layunin ng pananaliksik na alamin ang antas ng pauna at panghuling pagganap ng mga mag-aaral sa pagkilala sa bokabularyo, pagtukoy sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari, at pagsusuri sa kaisipan at elemento ng akda, pati na ang kanilang persepsyon sa estratehiya. Ginamit sa pag-aaral ang one-group pretest-posttest quasi-experimental design at isinagawa ito sa Cebu Technological University–Consolacion Campus sa munisipalidad ng Consolacion, Cebu, Philippines. Sa pamamagitan ng purposive sampling, apatnapung (40) mag-aaral ng Bachelor of Elementary Education (BEEd 2-1) ang nagsilbing mga respondente. Nakalap ang mga datos gamit ang binuong pauna at panghuling pagsusulit batay sa tatlong piling parabula pati na ang talatanungan sa persepsyon, at sinuri ang mga ito gamit ang weighted mean, standard deviation, at paired t-test. Ipinakita sa mga resulta na sa paunang pagtatasa gamit ang tradisyonal na pagtuturo, may sapat na kakayahan ang mga mag-aaral sa literal na pag-unawa ngunit nahirapan sa mas mataas na antas ng pag-iisip. Matapos mailapat ang Think-Aloud Protocol Teknik, nagkaroon ng malaking pag-unlad at pag-angat sa lahat ng sinusuring kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Ipinakita ng pagsusuring estadistikal na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap sa lahat ng pamantayan, na humantong sa pagtanggi sa null hypothesis. Nagpatunay ang pag-aaral na ang Think-Aloud Protocol Teknik ay isang mabisang metakognitibong estratehiya na nag-aangat sa komprehensyon ng mga mag-aaral mula sa simpleng pag-alala patungo sa kritikal na pagsusuri ng parabula. Sa pamamagitan ng pagpapasalita sa kanilang proseso ng pag-iisip habang nagbabasa, mas madaling nasusubaybayan at nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga talinghaga at aral ng akda. Inirerekomenda ang paggamit ng binuong modyul sa pagtuturo ng parabula upang magsilbing praktikal na gabay sa sistematikong pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.
Zitieren
APA
Ogoc, E. A. (2026). Paggamit ng think-aloud protocol teknik sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa mga piling parabula. International Journal of Research Studies in Education, 15(25), 47. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26481
Vancouver
Ogoc EA. Paggamit ng think-aloud protocol teknik sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa mga piling parabula. International Journal of Research Studies in Education. 2026;15(25):47. doi:10.5861/ijrse.2026.26481
BibTeX
@article{Ogoc2026,
author = {Ogoc, Edsel A.},
title = {Paggamit ng think-aloud protocol teknik sa pagpapaunlad ng pag-unawa sa mga piling parabula},
journal = {International Journal of Research Studies in Education},
year = {2026},
volume = {15},
number = {25},
pages = {47},
doi = {10.5861/ijrse.2026.26481}
}
EUVIMED