KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA
LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 06.05.2026
DOI: 10.65494/ppsluntian.1 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 06.05.2026. Verfasst von Princess Ann Bulan und 1 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang karanasan sa paggamit at antas ng pag-unawa ng mga piling residente ng Legislative District 1 sa Isabela sa wikang Ibanag bilang batayan sa pagbuo ng sangguniang gramatika. Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo at pinagsamang pamamaraang kwantitatibo at kwalitatibo. Kabilang sa mga kalahok ang limampung (50) residente na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Gumamit ng talatanungan at pakikipanayam sa pangangalap ng datos, habang sinuri ang datos gamit ang mean, bahagdan, Pearson’s r, at thematic analysis. Ipinakita ng resulta na mataas ang antas ng karanasan sa paggamit ng wikang Ibanag (GWM = 3.46) at mataas din ang antas ng pag-unawa (GWM = 3.34). Gayunpaman, natukoy na may mahina at hindi makabuluhang ugnayan sa pagitan ng dalawang baryabol (r = 0.236, p = 0.099). Sa kwalitatibong pagsusuri, lumitaw ang mga temang nagpapakita na ang wikang Ibanag ay daluyan ng epektibong komunikasyon, naaangkop sa sitwasyon, at ang karanasan ay mahalagang salik sa pagkatuto, subalit ang panlapi at estruktura ay nananatiling hamon. Batay sa mga natuklasan, iminungkahi ang pagbuo ng isang sangguniang gramatika na nakatuon sa panlapi, aspekto ng pandiwa, reduplikasyon, at kontekstwal na kahulugan. Ipinapahiwatig ng pag-aaral na ang pag-unawa sa wika ay hindi lamang nakabatay sa karanasan kundi nangangailangan ng sistematikong paglinang. Mga Susing Salita: Wikang Ibanag, gramatika, karanasan sa wika, antas ng pag-unawa,
Zitieren
APA
Bulan, P. A., & etal (2026). KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA. LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.1
Vancouver
Bulan PA, etal. KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA. LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.1
BibTeX
@article{Bulan2026,
author = {Bulan, Princess Ann and etal},
title = {KARANASAN AT ANTAS NG PAG-UNAWA NG MGA PILING RESIDENTE NG ISABELA SA WIKANG IBANAG: BATAYAN SA PAGBUO NG SANGGUNIANG GRAMATIKA},
journal = {LUNTIAN: Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
year = {2026},
doi = {10.65494/ppsluntian.1}
}
EUVIMED