Kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa Grado 5
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss05021071 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Ferlie Cantor.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa grado 5 para sa Taong Panuruan 2025-2026. Ito ay naglalayong matukoy kung may makabuluhang pagkakaiba at makabuluhang kaugnayan ang kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa Grado 5. Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay binubuo ng isang daan at tatlumpu’t isa (131) na mga mag-aaral mula sa limang seksyon ng Dao Central School, Taong Panuruan 2025-2026. Survey- Correlational ang ginamit na paraan sa pag-aaral na ito na nagpapaliwanag at nagbibigay ng kahulugan sa mga pangyayari. Ang mga datos sa survey-correlational ay natamo sa pamamagitan ng pagsusulit sa kaalaman sa semiyotikong salita gayundin sa analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento gamit ang rubrik bilang sukatan sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral sa Grado 5. Nagpasagot ang mananaliksik gamit ang rubrik na may iba’t ibang pamantayan: nilalaman, kahusayan sa wika at gramatika, organisasyon at lohikal na ideya, at analitikal na pagsusuri at pag-unawa. Ipinasailalim din ang mga ito sa content face validity at expert validation sa tulong ng tatlong (3) eksperong guro sa Filipino. Ang malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay ang kaalaman sa semiyotikong salita at ang di-malayang baryabol naman ay ang analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa grado 5. Ang istadistikang ginamit sa pagsusuri ng palarawang datos ay ang frequency count, percentage mean, standard deviation, at Pearson r naman ang ginamit sa inferential statistics kung saan ang antas ng kaugnayan ay itinakda sa .05. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na sa kabuuan ang antas ng kaalaman sa semiyotikong salita sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa grado 5 ay “katamtaman”. “Kasiya-siya” naman sa analitikal na pag-unawa. At “walang makabuluhang pagkakaiba” sa pagitan ng kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kuwento ng mga mag-aaral sa grado 5. Nakita rin sa pananaliksik na “walang makabuluhang kaugnayan” ang kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa grado 5.
Zitieren
APA
Cantor, F. (2026). Kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa Grado 5. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021071
Vancouver
Cantor F. Kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa Grado 5. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021071
BibTeX
@article{Cantor2026,
author = {Cantor, Ferlie},
title = {Kaalaman sa semiyotikong salita at analitikal na pag-unawa sa babasahing mga piling maikling kwento ng mga mag-aaral sa Grado 5},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss05021071}
}
EUVIMED