EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Politika sa mga Obra ng Pantas ng Pelikulang Pilipino: Ang mga Ideolohiyang Politikal sa mga Pelikula ni Ishmael Bernal

Lois Mauri Anne Liwanag

Social Sciences Development Review · 2024

DOI: 10.70922/46thh427 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Social Sciences Development Review, 2024. Verfasst von Lois Mauri Anne Liwanag.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pangunahing layunin ng papel na ito ay matukoy ang mga ideolohiyang politikal sa limang pelikula ni Ishmael Bernal: Manila by Night “City After Dark” (1980); Himala (1982); Broken Marriage (1983); Hinugot sa Langit (1985); at Pahiram ng Isang Umaga (1989). Ang mga nominasyon at gantimpala na natanggap partikular na ang mula sa Gawad Urian Awards na ibinigay ang Best Film of the Decade o ang Best Picture Award mula noong dekada 1970s-1990s ang pamantayan ng pagpili sa mga nasabing pelikula. Bilang hermeneutikong lente, ginamit sa pagsusuri ang ideolohikal na spektrum na may dalawang dimensyon ng Alemang teorisistang si Hans Slomp, na minodipika ni F.P.A. Demeterio sa kanyang librong pinamagatang Ang Mga Ideolohiyang Politikal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ang paggamit sa nasabing lente ay hango sa pananaliksik nina Felicilda at Demeterio (2019) na ginamit ito upang alamin ang mga ideolohiyang politikal sa limang nobela ng Rosales Saga ni F. Sionil Jose. Upang maisakatuparan ang layunin ng pananaliksik, mayroon itong limang substantibong seksyon na isa-isang tinatalakay ang mga sumusunod: 1) pangunahing mensahe at tema ng pelikula; 2) paninindigan ng pelikula tungkol sa kasalukuyan at pagbabago; 3) pagpapahalaga ng pelikula sa indibidwal at estado; at 4) kabuoang ideolohiyang politikal na nakapaloob sa pelikula.

Zitieren

APA

Liwanag, L. M. A. (2024). Politika sa mga Obra ng Pantas ng Pelikulang Pilipino: Ang mga Ideolohiyang Politikal sa mga Pelikula ni Ishmael Bernal. Social Sciences Development Review. https://doi.org/10.70922/46thh427

Vancouver

Liwanag LMA. Politika sa mga Obra ng Pantas ng Pelikulang Pilipino: Ang mga Ideolohiyang Politikal sa mga Pelikula ni Ishmael Bernal. Social Sciences Development Review. 2024. doi:10.70922/46thh427

BibTeX
@article{Liwanag2024,
  author = {Liwanag, Lois Mauri Anne},
  title = {Politika sa mga Obra ng Pantas ng Pelikulang Pilipino: Ang mga Ideolohiyang Politikal sa mga Pelikula ni Ishmael Bernal},
  journal = {Social Sciences Development Review},
  year = {2024},
  doi = {10.70922/46thh427}
}
Kostenlos starten →