Pagtanggap sa Intralingguwal na Pagsasalin ng Pasyong Bikol ni Tranquilino Hernandez
Social Sciences Development Review · 2024
DOI: 10.70922/1kv26f81 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Social Sciences Development Review, 2024. Verfasst von Rizalyn Sahagun.
Abstract (Originalsprache)
Makapangyarihan ang pagsasalin dahil naiintelektuwalisa nito ang wika at ang tao mismo sa mahabang proseso nito lalo na sa kasalukuyang konteksto. Isang patunay sa realidad na ito ay ang pagbabago sa ortograpiyang ginagamit sa mga relihiyoso at kultural na teksto tulad ng Pasyong Bikol. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa Intralingguwal na Pagsasalin ng Pasyong Bikol, matukoy ang mga tuntunin sa Ortograpiyang Bikol na itinatampok ng isinagawang danas sa pagsasalin, at magsagawa ng intalingguwal na pagsasalin sa Pasyong Bikol. Ang pag-aaral na ito ay sumailalaim sa disenyong Descriptive-qualitative. Pinili ang mga kalahok sa pag-aaral gamit ang Convenience Sampling at Purposive Sampling mula sa Dominorog Calabanga at Lungsod Naga, Camarines Sur. Ginamit din dito ang Focus Group Discussion (FGD) at mga pakikipanayam. Natuklasan sa pag-aaral na buhat ng pamilyaridad at persepsiyon sa mga salita o simbolong ginamit sa makabagong bersiyon ng Pasyon, positibong inirerekomenda at tinatanggap ng lahat ng mga kalahok ang isinagawang pagsasaling Intralingguwal. Sa pangkalahatan, ito ay iminumungkahing gamitin sa pagbabasa at pag-aaral ng panitikan, kultura, at maging kasaysayan ng Pasyong Bikol. Karagdagan, bilang isang relihiyosong teksto, hindi nabago ang nilalaman ng nasa makabagong bersiyon. Nakita ito bilang panimulang pag-aaral upang maisulong sa Bikol ang intralingguwal na pagsasalin ng iba pang akdang relihiyoso.
Zitieren
APA
Sahagun, R. (2024). Pagtanggap sa Intralingguwal na Pagsasalin ng Pasyong Bikol ni Tranquilino Hernandez. Social Sciences Development Review. https://doi.org/10.70922/1kv26f81
Vancouver
Sahagun R. Pagtanggap sa Intralingguwal na Pagsasalin ng Pasyong Bikol ni Tranquilino Hernandez. Social Sciences Development Review. 2024. doi:10.70922/1kv26f81
BibTeX
@article{Sahagun2024,
author = {Sahagun, Rizalyn},
title = {Pagtanggap sa Intralingguwal na Pagsasalin ng Pasyong Bikol ni Tranquilino Hernandez},
journal = {Social Sciences Development Review},
year = {2024},
doi = {10.70922/1kv26f81}
}
EUVIMED