Pag-unawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (4)
DOI: 10.69651/pijhss05041654 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Charlyn Vista.
Abstract (Originalsprache)
Ang survey-correlational na pananaliksik na ito ay isinagawa upang tukuyin ang antas ng pagunawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8 sa Ivisan National High School, para sa taong panuruan 2025-2026. Sa kabuuan ay may apat na raan at tatlumpu’t dalawa (432) na mag-aaral sa Grado 8. Ngunit ang mananaliksik ay kumuha lamang ng dalawang daan at walo (208) na kalahok gamit ang stratified random sampling. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng survey-correlational na pamamaraan. Upang masukat ang antas ng pag-unawa sa akdang Ibong Adarna ng mga mag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng tatlumpu (30) aytem na pagsusulit na personal na ginawa ng mananaliksik sa tulong ng kanyang tagapayo. Upang masukat naman ang antas ng pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral, ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan na binubuo ng apatnapu’t dalawa (42) na aytem na ginawa ng mananaliksik sa tulong ng kanyang tagapayo. Ang malayang baryabol ay ang Pag-unawa sa Akdang Ibong Adarna, samantala ang dimalayang baryabol ay ang Pagpapahalagang Pampanitikan ng mga Mag-aaral sa Grado 8. Ang mananaliksik ay gumamit ng kagamitang pang-istadistika sa pagsusuri ng palarawang datos tulad ng frequency count, percentage mean, standard deviation, at Pearson r naman ang ginamit sa inferensyal na istadistika kung saan ang antas ng kabuluhan ay itinakda sa .05 alpha. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na sa kabuuan, ang antas ng pag-unawa sa akdang Ibong adarna ng mga mag-aaral sa Grado 8 ay “mataas”. Sa kabuuan, ang antas ng pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8 ay “napakataas na pagpapahalaga”. Natuklasan din na “walang makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng pag-unawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa grado 8.
Zitieren
APA
Vista, C. (2026). Pag-unawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(4). https://doi.org/10.69651/pijhss05041654
Vancouver
Vista C. Pag-unawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(4). doi:10.69651/pijhss05041654
BibTeX
@article{Vista2026,
author = {Vista, Charlyn},
title = {Pag-unawa sa akdang Ibong Adarna at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa Grado 8},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {4},
doi = {10.69651/pijhss05041654}
}
EUVIMED