EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz

Kenth Jayson Ventura

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (3)

DOI: 10.69651/pijhss05031359 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Kenth Jayson Ventura.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang layunin ng pananaliksik na ito na masuri ang antas ng kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa probinsya ng Capiz ng Taong-Panuruan 2025–2026. Sinikap din nitong tukuyin kung may makabuluhang pagkakaiba at kaugnayan ang mga baryabol. Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan para sa kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, pagsusulit sa kahusayan sa pag-unawa sa binasa at rubrik sa kakayahang komunikatibo. Ginamit ang pinagsamang pamamaraan o mixed method na desinyo at angkop na estadistikal na pagsusuri. May kabuuang dalawang raan at tatlumpu’t anim (236) na magaaral ang lumahok sa sarbey na pinili gamit ang stratified random sampling. Samantala, pitong (7) mag-aaral ang naging kalahok sa Focus Group Discussion (FGD). Para sa analisis ng datos, ginamit ang frequency count, mean, percentage, standard deviation, Pearson r, at One-Way ANOVA na may 0.05 na antas ng kabuluhan. Lumabas sa pag-aaral, ang antas ng kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay “mataas” na may kabuuang mean na 3.61. Sa kabuuan, ang antas ng kahusayan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral ay “mahusay” na may kabuuang mean na 19.22. Ang antas ng kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral ay “katamtaman” na may kabuuang mean na 10.95. Sa kabuuan, walang makabuluhang pagkakaiba sa kakayahang komunikatibo sa pagitan ng antas sa kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Lumabas din sa resulta ng pag-aaral na may makabuluhang pagkakaiba sa kakayahang komunikatibo sa pagitan ng antas sa kahusayan sa pag-unawa sa binasa ng mga mag-aaral. Sa kabuuan, “may makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto at kahusayan sa pag-unawa sa binasa. “Walang makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng paggamit ng social media sa pagkatuto at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral. Natuklasan din na “may makabuluhang kaugnayan” sa pagitan ng kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pagunawa sa binasa ng mga mag-aaral.

Zitieren

APA

Ventura, K. J. (2026). Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(3). https://doi.org/10.69651/pijhss05031359

Vancouver

Ventura KJ. Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(3). doi:10.69651/pijhss05031359

BibTeX
@article{Ventura2026,
  author = {Ventura, Kenth Jayson},
  title = {Kabisaan sa paggamit ng social media sa pagkatuto, kahusayan sa pag-unawa sa binasa, at kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral na Panay Bukidnon sa Probinsya ng Capiz},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {3},
  doi = {10.69651/pijhss05031359}
}
Kostenlos starten →