Kahusayan sa paggamit, kakayahang malikhain, at kritikal na pananaw sa mga makabagong baryasyon ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lalawigan ng Capiz: Batayan para sa paglinang ng diksyunaryo
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss05021224 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Jessa Cagay.
Abstract (Originalsprache)
Ang mananaliksik sa pag-aaral na ito ay gumamit ng pinaghalong metodo, partikular ang explanatory-sequential design kung saan isinagawa ang kwantitatibong pamamaraan sa pamamagitan ng survey-correlational, at sinundan ng kwalitatibong pamamaraan gamit ang Focus Group Discussion (FGD). Ang survey correlational ay naglarawan at nagbigay kahulugan sa mga pangyayari na naglalayong matukoy ang antas ng kahusayan sa paggamit, kakayahang pagkamalikhain at kritikal na pananaw ng mga mag-aaral sa Senior High School sa probinsya ng Capiz sa Taong Panuruan 2025-2026 upang makabuo ng isang diksyunaryo na sumasalamin sa makabagong wika ng kabataan. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay tatlong daan siyam napu’t tatlong (393) mag-aaral at siyam (9) na kalahok para sa focus group discussion. Ang mga mag-aaral ay pinili sa pamamagitan ng stratified random sampling, samantalang ang kabuuang bilang ng mga kalahok ay tinukoy gamit ang pormulang Taro Yamane upang matukoy ang kinakailangang bilang ng mga mag-aaral sa mga sekondaryang pampublikong paaralan sa Roxas at Capiz Division. Gumamit ang mananaliksik ng testquestionnaire upang masukat ang kahusayan sa paggamit ng modernong varayti ng wika, habang rubrik naman ang ginamit sa pagtataya ng kakayahang pagkamalikhain at kritikal na pananaw. Ang mga pangunahing natuklasan sa pag-aaral na ito ay nagpapakita na sa kabuuan, ang antas ng kahusayan sa paggamit sa mga modernong varayti ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school ay “mataas”. Ang antas naman ng kakayahang pagkamalikhain sa mga modernong varayti ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school ay “katamtaman”. Habang ang antas ng kritikal na pananaw sa mga modernong varayti ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school ay “mataas”. Sa kabilang banda, lumabas sa resulta na “walang makabuluhang pagkakaiba” sa kritikal na pananaw sa mga antas ng kakayahang pagkamalikhain sa mga modernong varayti ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school. Samantala, “may makabuluhang kaugnayan” ang kahusayan sa paggamit, kakayahang pagkamalikhain, at kritikal na pananaw sa mga modernong varayti ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school.
Zitieren
APA
Cagay, J. (2026). Kahusayan sa paggamit, kakayahang malikhain, at kritikal na pananaw sa mga makabagong baryasyon ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lalawigan ng Capiz: Batayan para sa paglinang ng diksyunaryo. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021224
Vancouver
Cagay J. Kahusayan sa paggamit, kakayahang malikhain, at kritikal na pananaw sa mga makabagong baryasyon ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lalawigan ng Capiz: Batayan para sa paglinang ng diksyunaryo. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021224
BibTeX
@article{Cagay2026,
author = {Cagay, Jessa},
title = {Kahusayan sa paggamit, kakayahang malikhain, at kritikal na pananaw sa mga makabagong baryasyon ng wika ng mga mag-aaral sa senior high school sa Lalawigan ng Capiz: Batayan para sa paglinang ng diksyunaryo},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss05021224}
}
EUVIMED