Pananaw, kawilihan at pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa Ika-9 na Baitang
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss05021092 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Eduardo Suarez und 1 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Ang survey-correlational na pananaliksik na ito ay isinagawa upang tukuyin ang pananaw, kawilihan, at pag-unawa sa Noli Me Tangere. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay ang isang daan limampu’t isa (151) mula sa dalawandaan apatnapu’t anim (246) na mag-aaral sa ika-9 na baitang ng Estefania Montemayor National High School sa Taong Panuruan 2025–2026. Ang mga kagamitang ginamit sa pananaliksik ay ang dalawampu’t limang (25) aytem na talatanungan ukol sa pananaw sa akdang Noli Me Tangere, dalawampu’t limang (25) aytem na talatanungan ukol sa kawilihan sa akdang Noli Me Tangere, at dalawampu’t limang (25) puntos na pagsusulit ukol sa pag-unawa sa Noli Me Tangere na personal na binuo ng mananaliksik. Ang malayang baryabol ay ang pananaw at kawilihan, at ang di-malayang baryabol naman ay ang pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang. Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang pananaw sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral ay “mataas”. Dagdag pa rito, ang kawilihan sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral ay “mataas” din. Ang pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral ay “katamtaman”. Gayundin, may “makabuluhang ugnayan” naman sa pagitan ng pananaw, kawilihan, at pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa ika-9 na baitang.
Zitieren
APA
Suarez, E., & Jr. (2026). Pananaw, kawilihan at pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa Ika-9 na Baitang. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021092
Vancouver
Suarez E, Jr.. Pananaw, kawilihan at pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa Ika-9 na Baitang. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021092
BibTeX
@article{Suarez2026,
author = {Suarez, Eduardo and Jr.},
title = {Pananaw, kawilihan at pag-unawa sa Noli Me Tangere ng mga mag-aaral sa Ika-9 na Baitang},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss05021092}
}
EUVIMED