EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Kalakasan, kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro

Egie Darundon

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (1)

DOI: 10.69651/pijhss0501819 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Egie Darundon.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay isinakatuparan para alamin ang antas ng Kalakasa, Kahinaan at Kabisaan sa Paggamit ng Canva sa Pagtuturo ng mga Guro. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang makabuluhang ugnayan ng kalakasan at kahinaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro, kalakasan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro at kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro. Ang mga kalahok sa pag-aaral na ito ay binubuo ng pitumpong (70) guro na gumagamit ng Canva sa kanilang pagtuturo. Sila ay pinili gamit ang purposive sampling na ang ibig kahulugan na mula sa sekundaryang paaralan ng Dibisyon ng Roxas City, kabilang ang President Manuel Roxas Memorial School – South, Congressman Ramon A. Arnaldo High School, Lawa-an IS, Bago National High School, Olotayan IS at Inzo Arnaldo Village IS at kumuha lamang ng mga guro na siyang gumagamit ng Canva sa pagtuturo. Ang malayang baryabol sa pag-aaral ay Kalakasan sa paggamit ng Canva sa Pagtuturo ng mga Guro at Kahinaan sa paggamit ng Canva sa Pagtuturo ng mga Guro samantala, ang di-malayang baryabol ay Kabisaan sa paggamit ng Canva sa Pagtuturo ng mga Guro.Survey-Correlational ang ginamit na paraan sa pag-aaral na ito na nagpapaliwanag at nagbibigay katuturan sa mga pangyayari. Ang mga datos sa survey-correlational ay natamo sa pamamagitan ng talatanungan sa kalakasan ng paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro, kahinaan ng Canva sa pagtuturo ng mga guro at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mag guro. Inilakip sa instrumentong ginamit ang personal na katangian ng mga kalahok. Ang datos na nakalap ay dumaan sa computer processed statistics. Para sa palarawang istadistika; ginamit ang frequency count, mean at standard deviation. Para naman sa inferensyal na istadistika; ginamit ang Pearson r na may alpha level na naka-set sa 0.05, sa lahat ng inferensyal na pagsubok. Ang mga natuklasan ay nagsasabing ang kabuoan, ang antas ng kalakasan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro ay “napakataas”. Ang kabuoan ng kahinaan sa paggamit ng Canva ng mga guro ay “katamtaman”. Ang kabuoan ng kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro ay “napakataas”. Sa kabilang banda, ang kalakasaan at kahinaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro ay “walang makabuluhang kaugnayan. Gayundin, ang kalakasan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro ay “walang makabuluhang kauganayan. Ganoon pa rin, ang kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ay “walang makabuluhang kaugnayan.

Zitieren

APA

Darundon, E. (2026). Kalakasan, kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(1). https://doi.org/10.69651/pijhss0501819

Vancouver

Darundon E. Kalakasan, kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(1). doi:10.69651/pijhss0501819

BibTeX
@article{Darundon2026,
  author = {Darundon, Egie},
  title = {Kalakasan, kahinaan at kabisaan sa paggamit ng Canva sa pagtuturo ng mga guro},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {1},
  doi = {10.69651/pijhss0501819}
}
Kostenlos starten →