HAMON NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY SA FILIPINO
Knowledge Commons (Lakehead University) · 01.01.2024
DOI: 10.17613/wf537-awp76 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Knowledge Commons (Lakehead University), erschienen am 01.01.2024. Verfasst von Annabelle L Balderian und 2 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Nilayon ng pananaliksik na ito na tukuyin ang karanasan ng mga guro sa paggamit, hamon, at mekanismo sa pagpapatupad ng Philippine Informal Reading Inventory (Phil-IRI) sa Filipino bilang kagamitan sa pagtaya sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Nagsilbing kalahok ang mga guro (s=16) na nasa ika-7 hanggang ika-10 baitang ng Junior High School sa ika-2 distrito ng dibisyon ng Leyte, DepEd. Mula sa deskriptibong uri ng pananaliksik sa anyong penomenolohikal, isinagawa ang pangangalap ng datos sa pakikipanayam at Focus Group Discussion (FGD) gamit ang gabay-panayam (interview guide) at sinuri gamit ang Collaizzi's 7 Steps of Data Analysis. Sa danas ng paggamit sa Phil-IRI, apat na hakbangin ang binigyang-diin: (1) Initial Screening using the Phi-IRI Group Screening Test; (2) Administration of the Phil-IRI Graded Passages (Pre-test); (3) Provision of Specialized Instruction or Intervention; at (4) Administration of the Phil-IRI Graded Passages (Post-test). Mula rito, natuklasan ang paggamit ng mga guro sa Phil-IRI ay nakatuon sa layunin ng pagtaya sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa. Dagdag pa, lumabas na may mga hamon ang mga guro sa paggamit ng Phil-IRI na nauugnay sa materyal at pagsasagawa nito. Ganoon pa man, may mga mekanismo ng pagkaya ang mga guro sa mga hamong nararanasan upang tugunan ang mga usapin at suliranin ng programa. Sa huli, nabuo ang isang siping-gabay na naglalayong magbigay ng komprehensibong paglalarawan sa paggamit ng Phil-IRI. Kaya, iminungkahi ng pag-aaral ang pagggamit sa siping-gabay, at magdisenyo pa ng mga programang nauugnay sa pagpapalalim sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbasa.
Schlagwörter
Zitieren
APA
Balderian, A. L., Delopere, & S., B. (2024). HAMON NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY SA FILIPINO. Knowledge Commons (Lakehead University). https://doi.org/10.17613/wf537-awp76
Vancouver
Balderian AL, Delopere, S. B. HAMON NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY SA FILIPINO. Knowledge Commons (Lakehead University). 2024. doi:10.17613/wf537-awp76
BibTeX
@article{Balderian2024,
author = {Balderian, Annabelle L and Delopere and S., Brian},
title = {HAMON NG MGA GURO SA PAGGAMIT NG PHILIPPINE INFORMAL READING INVENTORY SA FILIPINO},
journal = {Knowledge Commons (Lakehead University)},
year = {2024},
doi = {10.17613/wf537-awp76}
}
EUVIMED