EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Mukhang Totoo, Mukhang AI: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kulturang Biswal ng AI Face Filters at ang Konstruksyon ng Pamantayan ng Kagandahan ng Kabataang Pilipino

John Mark B. Traña, Freddielyn Pontemayor, Mary Christelle Concepcion C. Bienes

International Journal of Research on Multidisciplinary Studies · 06.11.2026 · 1 (10) · 131

DOI: 10.67903/ijroms0404 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift International Journal of Research on Multidisciplinary Studies, online erschienen am 06.11.2026. Verfasst von John Mark B. Traña und 2 weiteren Autor:innen. Die Arbeit nennt 17 Literaturangaben.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Bagama’t maraming pag-aaral ang tumalakay sa impluwensiya ng midyang panlipunan at mga beauty filter sa pananaw ng mga gumagamit sa pisikal na anyo, limitado pa ang pananaliksik na sumusuri kung paano binibigyang-kahulugan ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa kontekstong Pilipino ang mga katangiang biswal ng AI face filters at ang papel ng mga ito sa konstruksyon ng pamantayan ng kagandahan sa kulturang biswal. Layunin ng pag-aaral na kritikal na suriin ang mga katangiang ginagamit ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga larawang binago gamit ang AI face filters, ang kahulugang iniuugnay nila sa mga katangiang ito, at ang papel ng mga filter sa paghubog ng pamantayan ng kagandahan. Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng Visual Elicitation Technique (VET) at semi-structured interview. Limang (5) mag-aaral na may edad na labingwalong taong gulang pataas mula sa Don Carlos Polytechnic College ang lumahok sa pag-aaral. Ipinakita sa kanila ang dalawampung (20) larawan na binubuo ng sampung orihinal na selfie at sampung bersiyong binago gamit ang AI face filters. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng thematic analysis. Ipinakita ng mga resulta na ginagamit ng mga kalahok ang pagkawala ng likas na detalye ng balat, proporsyon ng mukha, at kabuuang pagiging makatotohanan ng larawan bilang mga palatandaan ng paggamit ng AI face filters. Iniuugnay nila ang mga katangiang ito sa idealisadong kagandahan, digital na presentasyon ng sarili, at pagkakaiba ng artipisyal at likas na anyo. Lumitaw din na nakikilahok ang mga filter at midyang panlipunan sa pagpapalaganap at normalisasyon ng pamantayang nakasentro sa makinis, simetrikal, at tila walang kapintasang mukha. Gayunman, kinikilala ng mga kalahok na hindi ganap na itinatakda ng teknolohiya ang kahulugan ng kagandahan. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang AI face filters ay hindi lamang kasangkapan sa pagbabago ng mga larawan kundi bahagi rin ng kulturang biswal na nagtataguyod ng mga ideyal na anyo, habang nananatiling mahalaga ang kritikal na interpretasyon ng mga gumagamit.

Zitieren

APA

Traña, J. M. B., Pontemayor, F., & Bienes, M. C. C. C. (2026). Mukhang Totoo, Mukhang AI: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kulturang Biswal ng AI Face Filters at ang Konstruksyon ng Pamantayan ng Kagandahan ng Kabataang Pilipino. International Journal of Research on Multidisciplinary Studies, 1(10), 131. https://doi.org/10.67903/ijroms0404

Vancouver

Traña JMB, Pontemayor F, Bienes MCCC. Mukhang Totoo, Mukhang AI: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kulturang Biswal ng AI Face Filters at ang Konstruksyon ng Pamantayan ng Kagandahan ng Kabataang Pilipino. International Journal of Research on Multidisciplinary Studies. 2026;1(10):131. doi:10.67903/ijroms0404

BibTeX
@article{Traa2026,
  author = {Traña, John Mark B. and Pontemayor, Freddielyn and Bienes, Mary Christelle Concepcion C.},
  title = {Mukhang Totoo, Mukhang AI: Isang Kritikal na Pagsusuri sa Kulturang Biswal ng AI Face Filters at ang Konstruksyon ng Pamantayan ng Kagandahan ng Kabataang Pilipino},
  journal = {International Journal of Research on Multidisciplinary Studies},
  year = {2026},
  volume = {1},
  number = {10},
  pages = {131},
  doi = {10.67903/ijroms0404}
}
Kostenlos starten →