EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Pagdalumat at Pagsipat sa Danas ng mga Mag-aaral sa Paglahok sa Pamamahayag Pangkampus: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral

Christine Joyce Legaspi Dimaandal

QualiSearch Journal of Educational Research and Practice · 11.11.2026

DOI: 10.66437/qjerp.v2si.060 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift QualiSearch Journal of Educational Research and Practice, online erschienen am 11.11.2026. Verfasst von Christine Joyce Legaspi Dimaandal. Die Arbeit nennt 18 Literaturangaben.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Sinuri sa penomenolohikal na pag-aaral na ito ang mga karanasan, hamon, paraan ng pagtugon, at mungkahi ng sampung mag-aaral sa junior high school na aktibong kasapi ng pahayagang pangkampus ng Binakayan National High School. Pinili ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng purposive sampling. Gumamit ng harapang panayam na ginabayan ng mga bukás na tanong at sinuri ang mga transkripsiyon sa pamamagitan ng tematikong pagsusuri. Inilarawan ng mga kalahok ang paglahok bilang karanasang pinagsasabay ang kagalakan at presyur, lalo na sa pagsulat at pakikilahok sa mga kompetisyon. Ang kaba, kakulangan ng tiwala sa sarili, hirap sa pagbuo ng ideya, at pagsasabay ng pagsasanay at mga tungkuling akademiko ang mga pangunahing hamon. Tumugon ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpaplano ng oras, sariling pagsisikap, at paghingi ng tulong sa mga guro, pamilya, at kamag-aaral. Iminungkahi nila ang mas madalas na pagsasanay sa paaralan, sapat na kagamitan para sa produksiyon, at akademikong konsiderasyon mula sa mga guro ng iba’t ibang asignatura. Mula sa mga natuklasan, binuo ang Project TECH-JOURN para sa kagamitan at produksiyon ng publikasyon at Project KKK para sa koordinasyon at akademikong suporta. Ipinakikita ng pag-aaral na may magkaugnay na gampanin ang personal na determinasyon, paggabay, at mga kaayusang institusyonal sa pagpapatuloy ng mga batang mamamahayag.

Zitieren

APA

Dimaandal, C. J. L. (2026). Pagdalumat at Pagsipat sa Danas ng mga Mag-aaral sa Paglahok sa Pamamahayag Pangkampus: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral. QualiSearch Journal of Educational Research and Practice. https://doi.org/10.66437/qjerp.v2si.060

Vancouver

Dimaandal CJL. Pagdalumat at Pagsipat sa Danas ng mga Mag-aaral sa Paglahok sa Pamamahayag Pangkampus: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral. QualiSearch Journal of Educational Research and Practice. 2026. doi:10.66437/qjerp.v2si.060

BibTeX
@article{Dimaandal2026,
  author = {Dimaandal, Christine Joyce Legaspi},
  title = {Pagdalumat at Pagsipat sa Danas ng mga Mag-aaral sa Paglahok sa Pamamahayag Pangkampus: Isang Penomenolohikal na Pag-aaral},
  journal = {QualiSearch Journal of Educational Research and Practice},
  year = {2026},
  doi = {10.66437/qjerp.v2si.060}
}
Kostenlos starten →