EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito

Eloisa San Juan

QualiSearch Journal of Educational Research and Practice · 28.02.2026

DOI: 10.66437/qjerp.v2i2.003 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift QualiSearch Journal of Educational Research and Practice, online erschienen am 28.02.2026. Verfasst von Eloisa San Juan. Die Arbeit nennt 20 Literaturangaben.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang kabisaan ng Project PAGASA (Pagkalinga at Gabay ng Guro, Asenso sa Mag-aaral) sa pagpapataas ng antas ng pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang Pito sa San Mateo National High School, Dibisyon ng Rizal. Ginamit sa pananaliksik ang kwalitatibong disenyo, partikular ang case study, upang mailarawan ang karanasan, saloobin, at pananaw ng mga kalahok na sumailalim sa reading remediation program. Limang piling mag-aaral ang naging kalahok sa pag-aaral na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng in-depth interview, at ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang tematikong pagninilay alinsunod sa Thematic Analysis nina Braun at Clarke. Batay sa resulta, lumitaw na ang Project PAGASA ay nakatulong sa pag-angat ng antas ng pagbasa ng mga kalahok mula sa kabiguang lebel tungo sa instruksyunal na lebel batay sa Phil-IRI pretest at posttest. Natukoy rin na ang mga karanasang may kaugnayan sa patuloy na paggabay ng guro, pagbibigay ng pagsasanay, at regular na pagtataya ay mahalagang salik sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa. Sa kabilang banda, ang mga hamon tulad ng kahirapan sa pagbigkas at kakulangan sa kumpiyansa ay unti-unting nalampasan sa pamamagitan ng angkop na interbensyon. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang pag-unlad sa pagbasa ay may positibong epekto sa pag-unawa sa iba pang asignatura. Iminumungkahi ng pag-aaral ang pagpapatuloy at pagpapalakas ng mga programang remedial sa pagbasa at ang pagbuo ng mas kontekstuwalisadong interbensyon upang higit pang mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Zitieren

APA

Juan, E. S. (2026). Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito. QualiSearch Journal of Educational Research and Practice. https://doi.org/10.66437/qjerp.v2i2.003

Vancouver

Juan ES. Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito. QualiSearch Journal of Educational Research and Practice. 2026. doi:10.66437/qjerp.v2i2.003

BibTeX
@article{Juan2026,
  author = {Juan, Eloisa San},
  title = {Pagtaya sa Kabisaan ng Project Pag-Asa sa Pagpapataas ng Antas ng Pagbasa ng mga Mag-Aaral ng Baitang Pito},
  journal = {QualiSearch Journal of Educational Research and Practice},
  year = {2026},
  doi = {10.66437/qjerp.v2i2.003}
}
Kostenlos starten →