EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

PAGTALUNTON SA SALAYSAY AT HARAYA NG KAMATAYAN TUNGO SA PAGSASALIN SA KUWENTONG “WILLIAM WILSON” AT “THE TELL-TALE HEART” NI EDGAR ALLAN POE

John Lawrence Capagalan

LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 18.05.2026

DOI: 10.65494/ppsluntian.5 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 18.05.2026. Verfasst von John Lawrence Capagalan.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Tinalunton sa mga akda ni Edgar Allan Poe ang salaysay at haraya ng kamatayan gamit ang Voyant tools tungo sa pagsasalin sa Filipino ng maiikling kuwentong William Wilson at The Tell-tale Heart habang saligan sa proseso ng pagsasalin ang sikolohiyang Pilipino at teoryang Skopos sa pagsasalin. Bago maisalin sa Filipino, isinalang ang piling maiikling kuwentong Ingles ni Edgar Allan Poe sa Voyant tools upang makita ang intratekstuwal o mga panloob na kalagayan ng teksto tulad ng pinakalumitaw na salita sa corpus, ang average na bilang ng salita, at iba pa; gayundin, ipinaliwanag sa paglalaop ng sikolohiyang Pilipino ang ugnayan ng pinakalumitaw na mga salita sa teksto sa salaysay at haraya ng kamatayang umiral sa teksto. Naging salalayan ang pagsipat na ito sa mga hakbang tungo sa pagtatamo ng skopos ng pagsasalin, na maisalin sa Filipino ang piling akda ni Edgar Allan Poe. Buhat sa pananaliksik na ito, ipinagpapalagay na maaari ang pagsasaling malay-sa-damdamin sa mga saling-akda dulot ng paglalaop ng sikolohiyang Pilipino at teoryang Skopos. Lumitaw rin sa proseso ng pagsasalin at pananaliksik ang posisyon ng kapuwa at loob sa diskurso sa pagsasalin sa piling maiikling kuwento; na alinmang pagbasag sa loob at paglabag sa kapuwa ay maituturing ding pagbasag at paglabag sa diwa ng pakikipagkapuwa at kawalan ng pagpapakatao. Isinilang sa pananaliksik na ito ang mga salin sa Filipino ng piling maiikling kuwento ni Edgar Allan Poe— Si William Wilson at Mga Tibok ng Puso.

Zitieren

APA

Capagalan, J. L. (2026). PAGTALUNTON SA SALAYSAY AT HARAYA NG KAMATAYAN TUNGO SA PAGSASALIN SA KUWENTONG “WILLIAM WILSON” AT “THE TELL-TALE HEART” NI EDGAR ALLAN POE. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.5

Vancouver

Capagalan JL. PAGTALUNTON SA SALAYSAY AT HARAYA NG KAMATAYAN TUNGO SA PAGSASALIN SA KUWENTONG “WILLIAM WILSON” AT “THE TELL-TALE HEART” NI EDGAR ALLAN POE. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.5

BibTeX
@article{Capagalan2026,
  author = {Capagalan, John Lawrence},
  title = {PAGTALUNTON SA SALAYSAY AT HARAYA NG KAMATAYAN TUNGO SA PAGSASALIN SA KUWENTONG “WILLIAM WILSON” AT “THE TELL-TALE HEART” NI EDGAR ALLAN POE},
  journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
  year = {2026},
  doi = {10.65494/ppsluntian.5}
}
Kostenlos starten →