DAYALEKTAL BARYASYON: ISANG PAGSUSURI TUNGO SA PAGBUO NG DAYALEKTAL MAP SA ISLA NG SIARGAO
LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 28.05.2026
DOI: 10.65494/ppsluntian.11 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 28.05.2026. Verfasst von Jackielou Lomocso und 1 weiteren Autor:innen. Die Arbeit nennt 12 Literaturangaben.
Abstract (Originalsprache)
Layunin ng pag-aaral na ito na mailarawan at masuri ang mga leksikal at semantikal na baryasyong dayalektal ng Wikang Surigaonon sa Isla ng Siargao, Surigao del Norte. Ginamitan ito ng kwalitatibong disenyo na may deskriptibong lapit, kalakip ang lexicostatistics at dialect geography alinsunod sa balangkas ni McKaughan. Ginamit ang 200-word list ni Swadesh sa panayam sa 18 impormanteng kumakatawan sa 9 na munisipalidad sa isla. Layunin nitong matukoy ang cognate percentage sa pagitan ng mga lugar at mailarawan ang mga isogloss sa anyo ng dayalekto. Ipinakita sa mga resulta ang matataas na porsyento ng pagkakatulad, gaya ng 81% sa pagitan ng Del Carmen at Santa Monica, gayundin ang makabuluhang pagkakaiba sa ilang pares gaya ng General Luna at Socorro (41%). Nakilala ang 75 porma ng isogloss na sumasalamin sa lingguwistikong hangganan ng mga lokalidad. Ipinakikita ng mga baryasyon sa leksikon ang sistematikong pagbabago sa ponolohiya at morpolohiya na siyang repleksiyon ng lokal na identidad, kasaysayang lingguwistiko, at ugnayang kultural ng mga pamayanan. Iminumungkahi ng pag-aaral ang integrasyon ng lokal na baryasyon ng Surigaonon sa edukasyon, mas malalim na dokumentasyon ng mga dayalekto, at aktibong partisipasyon ng mga komunidad sa pangangalaga ng kanilang katutubong wikaSa pangkalahatan, ang wikang Surigaonon ay nananatiling buhay, masigla, at makulay, na patuloy na nagiging mahalagang bahagi ng kultural na pagkakakilanlan ng mga Surigaonon sa kabila ng hamon ng modernisasyon.
Zitieren
APA
Lomocso, J., & Ciruela, D. M. (2026). DAYALEKTAL BARYASYON: ISANG PAGSUSURI TUNGO SA PAGBUO NG DAYALEKTAL MAP SA ISLA NG SIARGAO. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.11
Vancouver
Lomocso J, Ciruela DM. DAYALEKTAL BARYASYON: ISANG PAGSUSURI TUNGO SA PAGBUO NG DAYALEKTAL MAP SA ISLA NG SIARGAO. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.11
BibTeX
@article{Lomocso2026,
author = {Lomocso, Jackielou and Ciruela, Denzel Mark},
title = {DAYALEKTAL BARYASYON: ISANG PAGSUSURI TUNGO SA PAGBUO NG DAYALEKTAL MAP SA ISLA NG SIARGAO},
journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
year = {2026},
doi = {10.65494/ppsluntian.11}
}
EUVIMED