VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO
LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 27.05.2026
DOI: 10.65494/ppsluntian.10 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 27.05.2026. Verfasst von Marevelle Buenaventura und 1 weiteren Autor:innen. Die Arbeit nennt 39 Literaturangaben.
Abstract (Originalsprache)
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang epektibong paggamit ng Video Lessons sa pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ginamit ang disenyong A-B-A-B Single-Subject Experimental upang masusing matasa ang pagbabago sa pag-unawa at interes ng mga mag-aaral habang inilalapat at inaalis ang interbensyon. Sa pamamagitan ng convenience sampling, pinili ang tatlumpung (30) mag-aaral sa ikalimang baitang ng Capalayan Elementary School na nasa antas na full refresher batay sa 2024 Philippine Informal Reading Inventory. Ang pagsusuri ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng descriptive statistics (Mean, SD, Bahagdan) at inferential statistics (Repeated Measures ANOVA at Paired-Samples t-Test). Ang mga natuklasan ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay nagsimula sa napakababang antas ng kaalaman na may mean score na 14.70 (29% initial score), na nasa kategoryang “Did Not Meet Expectations.” Gayunpaman, sa paglalapat ng interbensyon, naitala ang isang malinaw na pattern ng pag-unlad: tumaas ang mean score sa 41.60 (Very Satisfactory) sa yugto ng interbensyon, bumaba nang alisin ito, at muling umakyat sa pinakamataas na antas na 45.20 (Outstanding) sa huling yugto. Ang post-test ay nagtala ng transmuted score na 91%, na nagpapatunay ng malalim na masteri sa nilalaman. Ang pagsusuri gamit ang ANOVA (F=5407.0, p < .001) at effect size na 0.939 ay nagpapatibay na ang pag-unlad ay hindi bunga ng pagkakataon kundi direktang resulta ng interbensyon. Ang t-test ay nagpakita rin ng napakalaking epekto (Cohen’s d = 18.1), na nagpapatunay sa radikal na positibong pagbabago sa pagkatuto. Batay sa mga datos, nabuo ang kongklusyon na ang video-based instruction ay isang makapangyarihang instrumento upang gawing mas epektibo at nakakaengganyo ang pagtuturo ng Filipino. Inirerekomenda ng pag-aaral ang integrasyon ng mga multimedia resources sa pang-araw-araw na pagtuturo, ang patuloy na pagsuporta ng mga magulang sa makabagong kagamitan, at ang opisyal na pagsasama ng mga interaktibong video lessons sa disenyo ng kurikulum upang matiyak ang mataas na akademikong tagumpay ng mga mag-aaral.
Zitieren
APA
Buenaventura, M., & Ciruela, D. M. (2026). VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.10
Vancouver
Buenaventura M, Ciruela DM. VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.10
BibTeX
@article{Buenaventura2026,
author = {Buenaventura, Marevelle and Ciruela, Denzel Mark},
title = {VIDEO-BASED LESSONS: PAGPAPAUNLAD NG LITERASIYANG FILIPINO},
journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
year = {2026},
doi = {10.65494/ppsluntian.10}
}
EUVIMED