EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Mind mapping technique sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino 9

Danmar Gongob

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)

DOI: 10.69651/pijhss0502982 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Danmar Gongob. Die Arbeit wurde bisher 1-mal zitiert (Crossref).

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang bisa ng Mind Mapping Technique sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng Abellana National School sa taong panuruan 2025–2026. Gumamit ang pananaliksik ng onegroup pretest–posttest research design upang matukoy ang pagkakaiba sa antas ng kasanayan ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang nasabing estratehiya. Tatlumpu’t anim (36) na mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral. Ang mga instrumentong ginamit ay paunang pagganap (pretest), panghuling pagganap (posttest), at talatanungan upang masukat ang saloobin ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng Mind Mapping Technique. Batay sa resulta ng paunang pagganap gamit ang kumbensyunal na paraan ng pagtuturo, nagtamo ang mga mag-aaral ng katamtamang husay sa nilalaman (M=2.47, SD=0.61), pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan (M=2.53, SD=0.56), at mekaniks sa pagsulat (M=2.28, SD=0.62). Samantala, matapos gamitin ang Mind Mapping Technique sa pagtuturo ng sanaysay, ang panghuling pagganap ay nakapagtala ng napakahusay na antas sa nilalaman (M=4.11, SD=0.58), pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan (M=4.03, SD=0.77), at mekaniks sa pagsulat (M=4.08, SD=0.84). Ipinakita ng resulta ng paired samples t-test na may estadistikal na makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap sa lahat ng pamantayan ng pagsulat (p < 0.001), na nagpatunay sa bisa ng Mind Mapping Technique bilang interbensiyong pampagtuturo. Dagdag pa rito, nagpakita ang mga mag-aaral ng positibong saloobin sa paggamit ng Mind Mapping Technique sa pagsulat ng sanaysay, na may kabuuang mean na 3.99 (SD=0.67) sa kasanayan sa pagsulat at 4.09 (SD=0.75) sa interes at motibasyon. Sa kabuuan, napatunayang epektibong estratehiya ang Mind Mapping Technique sa pagpapahusay ng organisasyon ng ideya, kalinawan ng pagpapahayag, at kumpiyansa ng mga mag-aaral sa pagsulat ng sanaysay.

Zitieren

APA

Gongob, D. (2026). Mind mapping technique sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino 9. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss0502982

Vancouver

Gongob D. Mind mapping technique sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino 9. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss0502982

BibTeX
@article{Gongob2026,
  author = {Gongob, Danmar},
  title = {Mind mapping technique sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino 9},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {2},
  doi = {10.69651/pijhss0502982}
}
Kostenlos starten →