EUVIMEDEUVIMED entdecken
Open Access · CC BY 4.0

Ang Kabisaan ng Project-Based Learning sa Pagkatuto ng Panitikan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Paaralang Sekondarya sa Purok ng Daet, Sangay ng Camarines Norte

Rhoda C. Azures

TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026

DOI: 10.65339/talos.v1.i2.7 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Rhoda C. Azures. Die Arbeit nennt 38 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Nilayon ng pag-aaral na masuri ang kabisaan ng Project-Based Learning (PBL) sa pagkatuto ng panitikan ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralang sekondarya sa Purok ng Daet, Sangay ng Camarines Norte, sa Taong-Panuruan 2025–2026, matukoy ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro, at makabuo ng mga rekomendasyong pampolisiya. Nakabatay ang pananaliksik sa mga teorya ng konstruktibismo, pagkatutong nakabatay sa karanasan, pag-unlad panlipunan, maraming talino, at pagkatutong nakabatay sa konteksto. Ginamit ang deskriptibo-ebalwatib korelasyonal na disenyo na nilahukan ng tatlumpung (30) guro sa Filipino mula sa tatlong pampublikong paaralang sekondarya. Nangalap ng datos gamit ang sariling binuong talatanungan na may 100 aytem at limang-puntong iskala. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng frequency count, percentage, weighted mean, rank, Kendall Coefficient of Concordance W, at chi-square. Natuklasang mabisang-mabisa ang PBL sa pagkatuto ng panitikan (4.54), kung saan pinakamataas ang kolaborasyon at komunikasyon (4.71), kasunod ang malikhain at mapanuring kaisipan (4.58). Gayunman, tinayang lubhang malubha ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro (4.55), partikular ang kakulangan sa kaalaman (4.64), oras (4.61), at kasanayan sa pagdidisenyo ng makabuluhang proyekto (4.59). Natukoy rin ang makabuluhang pagkakasundo ng mga ranggo sa pagtataya ng mga respondyente. Inirekomenda ang pagpapaunlad ng mga proyektong nakaugat sa lokal na komunidad, paggamit ng teknolohiya, sapat na suportang pang-institusyon, at pamantayang rubrik sa pagtataya. Nakaugnay ang pag-aaral sa Sustainable Development Goal 4 (De-kalidad na Edukasyon) at SDG 17 (Pakikipagtulungan para sa mga Layunin). Ang mga natuklasan ay maaaring makatulong sa napapanatiling pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon, pagpapahalagang pangkultura, at mga patakarang sumusuporta sa makabuluhan at inklusibong pagtuturo ng panitikan.

Zitieren

APA

Azures, R. C. (2026). Ang Kabisaan ng Project-Based Learning sa Pagkatuto ng Panitikan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Paaralang Sekondarya sa Purok ng Daet, Sangay ng Camarines Norte. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.7

Vancouver

Azures RC. Ang Kabisaan ng Project-Based Learning sa Pagkatuto ng Panitikan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Paaralang Sekondarya sa Purok ng Daet, Sangay ng Camarines Norte. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.7

BibTeX
@article{Azures2026,
  author = {Azures, Rhoda C.},
  title = {Ang Kabisaan ng Project-Based Learning sa Pagkatuto ng Panitikan ng mga Mag-Aaral sa Pampublikong Paaralang Sekondarya sa Purok ng Daet, Sangay ng Camarines Norte},
  journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
  year = {2026},
  doi = {10.65339/talos.v1.i2.7}
}
Kostenlos starten →