Pagtuturo ng Filipino ng mga Non-Filipino Major: Pananaw ng mga Mag-Aaral
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.5 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Roland G. Gomere. Die Arbeit nennt 20 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Layunin ng pag-aaral na suriin ang pagtuturo ng Filipino ng mga gurong hindi Filipino major sa Balud National High School sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanilang espesyalisasyon at kaugnay na pagsasanay, pagsusuri sa persepsyon ng mga mag-aaral batay sa pag-uugaling, emosyonal, at kognitibong partisipasyon, at pagtukoy sa ugnayan ng mga salik na ito bilang batayan sa pagbuo ng konkretong plano para sa pagpapahusay ng pagtuturo. Nakaangkla ang pag-aaral sa Teoryang Sosyokultural, Hipotesis ng Linguistic Interdependence, Teoryang Interaksyonal sa Wika, at Teoryang Panlipunang Komunikasyon sa Multidisiplinaring Konteksto, at inayos ang konseptuwal na balangkas sa Input-Process-Output na may feedback. Gumamit ito ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo at survey questionnaire. Kabilang sa pag-aaral ang apat na gurong hindi Filipino major at 109 mag-aaral mula sa populasyong 152 mag-aaral. Gumamit ng frequency, percentage, mean, at mga pagsusuring estadistikal upang suriin ang mga datos. Lumitaw na dalawa sa apat na guro ang may espesyalisasyon sa Ingles, samantalang tig-isa ang mula sa Agham at Edukasyon sa Pagpapahalaga. Mataas ang persepsyon ng mga mag-aaral sa pag-uugaling partisipasyon, emosyonal na partisipasyon, at kognitibong partisipasyon. Walang makabuluhang ugnayan ang kasarian sa pag-uugaling at emosyonal na partisipasyon, ngunit may makabuluhang ugnayan ito sa kognitibong partisipasyon. May makabuluhang ugnayan naman ang guro sa pag-uugaling at emosyonal na partisipasyon, ngunit wala sa kognitibong partisipasyon. Inirerekomenda ang regular na seminar at workshop, pagpapalakas ng emosyonal na suporta, at patuloy na paggamit ng angkop na estratehiya at konkretong halimbawa sa pagtuturo. Ang pag-aaral ay kaugnay ng SDG 4 – Quality Education dahil nakatuon ito sa kalidad ng pagtuturo, partisipasyon ng mag-aaral, at propesyonal na pag-unlad ng guro. Nag-aambag din ito sa educational, cultural, at institutional sustainability sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pagtuturo ng Filipino, pagpapanatili ng papel ng wikang pambansa sa edukasyon, at pagbibigay ng batayan sa patuloy na pagsasanay at pagpapahusay ng mga guro.
Zitieren
APA
Gomere, R. G. (2026). Pagtuturo ng Filipino ng mga Non-Filipino Major: Pananaw ng mga Mag-Aaral. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.5
Vancouver
Gomere RG. Pagtuturo ng Filipino ng mga Non-Filipino Major: Pananaw ng mga Mag-Aaral. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.5
BibTeX
@article{Gomere2026,
author = {Gomere, Roland G.},
title = {Pagtuturo ng Filipino ng mga Non-Filipino Major: Pananaw ng mga Mag-Aaral},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.5}
}
EUVIMED