Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Wikang Filipino ng mga Banyagang Mag-Aaral: Batayan sa Pagbuo ng Interbensyong Materayl sa Pagbasa
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.4 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Marissa R. Alcantara. Die Arbeit nennt 56 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Layunin ng pag-aaral na matukoy ang antas ng kasanayan sa pagbasa sa wikang Filipino ng mga banyagang mag-aaral sa Jefferson High School, Mission St. Daly City, California, bilang batayan sa pagbuo ng interbensyong materyal. Nakabatay ang pag-aaral sa mga pananaw ng Phonics Approach, Whole Language Theory, top-down at bottom-up approaches, Interactive Theory, at Schema Theory, at konseptuwal na inayos sa Input-Process-Output (IPO). Gumamit ito ng kwantitatibong disenyo at total population sampling na kinasasangkutan ng 65 mag-aaral mula sa Filipino Language Lebel 1 at Lebel 2. Talatanungan at mga pagsusulit sa pagbasa ang ginamit, kasama ang minodipikang pamantayan mula sa Philippine Informal Reading Inventory (PHIL IRI) para sa oral na pagbasa, bokabularyo, at komprehensiyon. Ginamit sa pagsusuri ang frequency, percentage, weighted mean, at Analysis of Variance (ANOVA) sa 0.05 alpha level. Natuklasan na ang kasanayan sa pagbasa o pagbigkas ng salita ay nasa antas na pampagkatuto na may mean na 91.25, samantalang ang pagtukoy ng kahulugan ng salita at pag-unawa sa binasang akda ay nasa antas na malaya na may mean na 88.72 at 82.31. Ang talatuntunang kahirapan sa tatlong kasanayan ay 0.91, 0.89, at 0.81, na pawang inilarawang “Hindi Mahirap.” Nagkaroon ng makabuluhang pagkakaiba sa ilang kasanayan at antas ng kahirapan ayon sa lebel, kasarian, at nasyonalismo, samantalang walang makabuluhang pagkakaiba sa iba pang propayl na sinuri. Batay sa mga natukoy na pangangailangan, nabuo ang Strategic Intervention Material (SIM) upang mapaunlad ang pagbigkas, bokabularyo, at pag-unawa sa pagbasa. Inirerekomenda ang paggamit ng SIM, regular na pagsasanay sa pagbasa, remedial na gawain, at higit na paggamit ng mga materyal at gawaing nasa wikang Filipino. Ang pag-aaral ay pangunahing kaugnay ng SDG 4 – Quality Education dahil nakatuon ito sa literasi at pagpapahusay ng suportang pampagtuturo. Nag-aambag din ito sa educational, cultural, at institutional sustainability sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kasanayan sa Filipino, pagpapatuloy ng paggamit ng wika sa labas ng Pilipinas, at pagbuo ng interbensiyong maaaring magamit sa pagtuturo.
Zitieren
APA
Alcantara, M. R. (2026). Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Wikang Filipino ng mga Banyagang Mag-Aaral: Batayan sa Pagbuo ng Interbensyong Materayl sa Pagbasa. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.4
Vancouver
Alcantara MR. Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Wikang Filipino ng mga Banyagang Mag-Aaral: Batayan sa Pagbuo ng Interbensyong Materayl sa Pagbasa. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.4
BibTeX
@article{Alcantara2026,
author = {Alcantara, Marissa R.},
title = {Antas ng Kasanayan sa Pagbasa sa Wikang Filipino ng mga Banyagang Mag-Aaral: Batayan sa Pagbuo ng Interbensyong Materayl sa Pagbasa},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.4}
}
EUVIMED