EUVIMEDOpdag EUVIMED
Crossref

Masusing Pagsusuri sa mga Piling Kwento Gamit ang Teoryang Markismo

Norjean Jacalan, Leslie Jayme, Jufe Jane Apat

IJMERI · 2026 · 4 (2)

DOI: 10.64637/734449 ↗

At a glance

Journal article in IJMERI, 2026. Written by Norjean Jacalan and 2 co-authors.

AbstractBibliografiske oplysningerCiteRelated studies

Abstract (original language)

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga piling maikling kwentong Filipino gamit ang Teoryang Markismo upang matukoy ang mga suliraning panlipunan, tunggalian ng uri, at ugnayan ng kapangyarihan na makikita sa mga akda. Sinuri sa pananaliksik ang limang piling kwento: Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario, Di Mo Masilip ang Langit at Ang Kalupi ni Benjamin Pascual, Sandaang Damit ni Fanny Garcia, at Si Pinkaw ni Isabelo S. Sobrevega. Layunin din nitong maipakita kung paano nagsisilbing salamin ng lipunan ang panitikan.Gumamit ang pag-aaral ng kwalitatibong disenyo sa pamamagitan ng pamaraang deskriptibo at thematic analysis. Sa masusing pagbasa at pagsusuri sa nilalaman ng mga kwento, natukoy ang mahahalagang tema na may kaugnayan sa kahirapan, diskriminasyon, kawalan ng pagkakapantay-pantay, at pang-aabuso ng kapangyarihan. Naging batayan sa interpretasyon ang mga konsepto ng Markismo tulad ng tunggalian ng uri at pagsasamantala sa mga nasa mababang antas ng lipunan.Batay sa pagsusuri, lumitaw na ang pangunahing hidwaan sa mga piling kwento ay mayayaman laban sa mahihirap, makapangyarihan laban sa walang kapangyarihan, at mga may pribilehiyo laban sa mga naaapi. Natukoy rin na ang kahirapan sa buhay,suliranin sa pamilya, at kakulangan sa serbisyong panlipunan. Sa usapin ng resolusyon, ipinakita sa ilang akda ang paglaban, paghihiganti, at paghahangad ng katarungan bilang tugon ng pangunahing tauhan.Pinatutunayan ng pag-aaral na ang panitikan ay hindi lamang anyo ng sining kundi daluyan din ng kamalayang panlipunan. Sa pamamagitan ng Teoryang Markismo, higit na naunawaan ang kalagayan ng mga naaaping sektor at ang patuloy na hamon ng hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Cite

APA

Jacalan, N., Jayme, L., & Apat, J. J. (2026). Masusing Pagsusuri sa mga Piling Kwento Gamit ang Teoryang Markismo. IJMERI, 4(2). https://doi.org/10.64637/734449

Vancouver

Jacalan N, Jayme L, Apat JJ. Masusing Pagsusuri sa mga Piling Kwento Gamit ang Teoryang Markismo. IJMERI. 2026;4(2). doi:10.64637/734449

BibTeX
@article{Jacalan2026,
  author = {Jacalan, Norjean and Jayme, Leslie and Apat, Jufe Jane},
  title = {Masusing Pagsusuri sa mga Piling Kwento Gamit ang Teoryang Markismo},
  journal = {IJMERI},
  year = {2026},
  volume = {4},
  number = {2},
  doi = {10.64637/734449}
}
Start for free →