EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Anyo at Ugnayang Gramatikal, Mga Gawaing Ilokusyonaryo at Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Likas na Tagapagsalita ng Filipino

PEARL JOY GUIBO

WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches · 23.11.2026 · 1 (3) · 53-71

DOI: 10.64358/53h04h72 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches, online erschienen am 23.11.2026. Verfasst von PEARL JOY GUIBO.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Nilayon ng pag-aaral na ito na suriin ang anyo at ugnayang gramatikal, mga gawaing ilokusyonaryo, at estratehiyang pangkomunikasyon sa pagtuturo ng mga gurong hindi likas na tagapagsalita ng Filipino. Gumamit ito ng kuwalitatibong deskriptibo-analitikong disenyo sa pagsusuri ng diskursong pangklase. Labindalawang (12) guro ng Filipino sa pampublikong paaralang sekundarya mula sa anim na sangay sa Rehiyon XI ang naging kalahok. Nangalap ng datos sa pamamagitan ng audio-video recording, obserbasyon sa klase, at transkripsyon ng mga pahayag ng guro. Sinuri ang datos batay sa anyong gramatikal, tungkuling ilokusyonaryo, estratehiyang pangkomunikasyon, at diskursibong palatandaan ng interaksyon at pagkatuto. Lumitaw na ang patanong, pautos, deklaratibo, pag-uulit, pagwawasto, at pagpapatibay ay nagsilbing kasangkapan sa pagpapadaloy ng talakayan. Naisakatuparan din ng mga pahayag ng guro ang pagpapasagot, pagpapakilos, pagpapalalim, pagtataya, pag-alalay, at pagpapatibay ng tugon ng mag-aaral. Natukoy na ang pagpapalit-wika, muling pagpapahayag, pagbibigay-halimbawa, pagbibigay-pahiwatig, at pagwawastong pagmomodelo ay nakatulong sa pagpapalinaw, pag-aangkop, at pagpapanatili ng partisipasyon. Ipinakita ng resulta na ang pagkatuto ay nahubog sa pagsagot, pagpapaliwanag, pakikipagtalakayan, pagtanggap sa puna, at paglalapat ng konsepto sa sariling karanasan. Iminumungkahi ng pag-aaral na palakasin ang pagsasanay ng mga guro sa kamalayang diskursibo, pragmatikong gamit ng wika, at multilingguwal na estratehiya.

Zitieren

APA

GUIBO, P. J. (2026). Anyo at Ugnayang Gramatikal, Mga Gawaing Ilokusyonaryo at Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Likas na Tagapagsalita ng Filipino. WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches, 1(3), 53-71. https://doi.org/10.64358/53h04h72

Vancouver

GUIBO PJ. Anyo at Ugnayang Gramatikal, Mga Gawaing Ilokusyonaryo at Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Likas na Tagapagsalita ng Filipino. WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches. 2026;1(3):53-71. doi:10.64358/53h04h72

BibTeX
@article{GUIBO2026,
  author = {GUIBO, PEARL JOY},
  title = {Anyo at Ugnayang Gramatikal, Mga Gawaing Ilokusyonaryo at Estratehiyang Pangkomunikasyon sa Pagtuturo ng mga Gurong Hindi Likas na Tagapagsalita ng Filipino},
  journal = {WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches},
  year = {2026},
  volume = {1},
  number = {3},
  pages = {53--71},
  doi = {10.64358/53h04h72}
}
Kostenlos starten →