Kakayahang Panliterasi sa Pagbasa at Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 Akademik Trak sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig
International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR) · 05.04.2025 · 4 (2) · 55-64
DOI: 10.63498/nxz2st254 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR), online erschienen am 05.04.2025. Verfasst von Jessie Marquez und 1 weiteren Autor:innen. Die Arbeit wurde bisher 1-mal zitiert (Crossref).
Abstract (Originalsprache)
Abstrak Layunin: Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pag-alam ng kakayahang panliterasi sa pagbasa at pagsulat ng mga mag-aaral sa Baitang 11 Akademik Trak sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig.. Metodolohiya: Ginamit sa pag-aaral ang descriptive-correlational na disenyo ng kuwantitatibong pananaliksik. Binubuo ng 102 mga mag-aaral mula sa Akademik Trak ng Baitang 11 bilang mga kalahok sa pag-aaral. Ang ginamit na instrumento sa pangangalap ng datos ay istandardisadong pagsusulit at rubriks sa pag-tsek ng mga awtput na sanaysay. Sa pag-analisa ng datos, ginamit ang mean, standard deviation at correlation coefficient value. Resulta: Lumabas sa resulta ng pag-aaral na mataas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa literal na antas ng komprehensiyon sa pagbasa. Sa kabilang banda, ang inferensiyal na antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ay nasa mababang-mababa na antas. Gayundin, nasa mababang-mababa na antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa kritikal na antas ng komprehensiyon sa pagbasa. Sa pagsulat naman, mababang-mababa na antas ng kakayahan ng mga mag-aaral partikular sa nilalaman, organisasyon, gramatika, mekaniks, at estilo sa pagsulat. Sa pangkalahatan, may makabuluhang ugnayan ang kakayahang panliterasi sa pagbasa at kakayahang panliterasi sa pagsulat ng mga mag-aaral. Kongklusyon: Batay sa resulta ng pag-aaral, natukoy na ang antas ng komprehensiyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ay may pagkakaiba-iba. Bagaman mahusay ang kanilang literal na komprehensiyon, hindi nila nakamit ang inaasahang antas sa inferensiyal at kritikal na komprehensiyon. Samantala, sa pagsulat, natuklasan na sa lahat ng krayterya—nilalaman, organisasyon, gramatika, mekaniks, at istilo—ay hindi rin nila naabot ang inaasahang antas. Ipinapakita rin ng pagsusuri na may mababang relasyon sa pagitan ng kakayahang panliterasi sa pagbasa at pagsulat. Gayunpaman, ang ugnayang ito ay makabuluhan sa estadistikal na pagsusuri. Ipinapahiwatig nito na bagaman may koneksyon ang dalawang kasanayan, kinakailangan ang mas masusing interbensiyon upang mapalakas ang parehong aspekto ng panliterasi ng mga mag-aaral. Mga Susing Salita: akademik trak, kakayahang panliterasi, komprehensiyon, pagbasa, pagsulat
Zitieren
APA
Marquez, J., & Dapitan, Y. (2025). Kakayahang Panliterasi sa Pagbasa at Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 Akademik Trak sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig. International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR), 4(2), 55-64. https://doi.org/10.63498/nxz2st254
Vancouver
Marquez J, Dapitan Y. Kakayahang Panliterasi sa Pagbasa at Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 Akademik Trak sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig. International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR). 2025;4(2):55-64. doi:10.63498/nxz2st254
BibTeX
@article{Marquez2025,
author = {Marquez, Jessie and Dapitan, Yolanda},
title = {Kakayahang Panliterasi sa Pagbasa at Pagsulat ng mga Mag-aaral sa Baitang 11 Akademik Trak sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Kalamansig},
journal = {International Journal of Open-access, Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR)},
year = {2025},
volume = {4},
number = {2},
pages = {55--64},
doi = {10.63498/nxz2st254}
}
EUVIMED