EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Epekto ng paggamit ng taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon

Mac Reymark E. Mabilangan, Mary Joy Abamo, Judy Ann O. Fabriag, Alma N. Cabutan, Jessa Mae Gabiana, Lemuel O. Rebato

International Journal of Research Studies in Education · 22.11.2026 · 15 (25) · 211

DOI: 10.5861/ijrse.2026.26322 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift International Journal of Research Studies in Education, online erschienen am 22.11.2026. Verfasst von Mac Reymark E. Mabilangan und 5 weiteren Autor:innen. Die Arbeit nennt 15 Literaturangaben.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang Taglish, o pinaghalong wikang Filipino at Ingles, ay isang pangkaraniwang penomenon sa pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral, lalo na sa akademikong kapaligiran. Sa kasalukuyan, nagiging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa loob at labas ng paaralan. Nagsisilbi itong paraan upang mapadali ang pagpapaliwanag ng mga konsepto, mapalawak ang pagpapahayag ng mga ideya, at mapahusay ang pag-unawa sa mga aralin at talakayan. Gayunpaman, maaari rin itong magdulot ng hamon sa wastong paggamit ng gramatika, pagpili ng angkop na salita, at pagsunod sa pamantayan ng pormal na komunikasyong akademiko. Ang pananaliksik na ito ay layuning suriin ang epekto ng paggamit ng Taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral sa Senior High School lungsod Catbalogan. ang paggamit ng Taglish ng mag-aaral at sinuri kung paano iuugnay sa kalinawan ng pagpapahayag, pag-unawa sa mga mensahe, at pakikilahok sa mga gawaing pangkomunikasyon. Gumamit ang pag-aaral ang deskriptibong pamamaraang kwantitatibo upang mailarawan at masuri ang mga nakalap na datos. Talatanungan ang magsisilbing pangunahing instrumento sa pangangalap ng impormasyon mula sa tatlumpung (30) piling mag-aaral ng Senior High School, lungsod Catbalogan. sinuri at binigyang kahulugan ang mga tugon upang makabuo ng makabuluhang paglalahad ng mga resulta. Ang naging kabuuang resulta ng aming pananaliksik ay nagpapakita na mataas ang antas ng paggamit ng Filipino, English, at Taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral. Batay sa mga datos, nakakuha ang Filipino ng pinakamataas na weighted mean na 4.07, sinundan ng Taglish na may 3.96, akademikong pakikipagkomunikasyon na may 3.83, at English na may 3.72. Ipinahihiwatig nito na mas pinahahalagahan at mas nagagamit ng mga mag-aaral ang Filipino sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya. Gayunpaman, nakatutulong din ang Taglish upang maging mas komportable at madali ang kanilang pakikipag-usap at pagpapaliwanag ng mga konsepto. Samantala, bagama't may pinakamababang weighted mean ang English, nananatili pa rin itong mataas ang antas ng paggamit. Sa kabuuan, natuklasan namin na mahalaga ang tatlong wikang ito sa akademikong pakikipagkomunikasyon. Ang pinakamahalagang punto ay hindi lamang kung anong wika ang ginagamit ng mga mag-aaral, kundi kung paano nila ito ginagamit nang wasto, malinaw, at angkop upang maipahayag nang mabisa ang kanilang mga kaisipan. Maaari rin itong magsilbing batayan ng mga guro at mag-aaral sa pagpapaunlad ng kakayahang pangkomunikatibo at pagtataguyod ng malinaw, wasto, angkop, at mabisang paggamit ng wika sa iba't ibang gawaing pang-akademiko.

Zitieren

APA

Mabilangan, M. R. E., Abamo, M. J., Fabriag, J. A. O., Cabutan, A. N., Gabiana, J. M., & Rebato, L. O. (2026). Epekto ng paggamit ng taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon. International Journal of Research Studies in Education, 15(25), 211. https://doi.org/10.5861/ijrse.2026.26322

Vancouver

Mabilangan MRE, Abamo MJ, Fabriag JAO, Cabutan AN, Gabiana JM, Rebato LO. Epekto ng paggamit ng taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon. International Journal of Research Studies in Education. 2026;15(25):211. doi:10.5861/ijrse.2026.26322

BibTeX
@article{Mabilangan2026,
  author = {Mabilangan, Mac Reymark E. and Abamo, Mary Joy and Fabriag, Judy Ann O. and Cabutan, Alma N. and Gabiana, Jessa Mae and Rebato, Lemuel O.},
  title = {Epekto ng paggamit ng taglish sa akademikong pakikipagkomunikasyon},
  journal = {International Journal of Research Studies in Education},
  year = {2026},
  volume = {15},
  number = {25},
  pages = {211},
  doi = {10.5861/ijrse.2026.26322}
}
Kostenlos starten →