SIPAT SA DANAS: KASANAYAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NG MGA GURO SA SEKONDARYA
Knowledge Commons (Lakehead University) · 01.09.2025
DOI: 10.17613/6r6ng-yv884 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Knowledge Commons (Lakehead University), erschienen am 01.09.2025. Verfasst von Bueno und 1 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy at masuri ang kasanayan sa Ortograpiyang Filipino ng mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino sa antas ng sekondarya, mula sa pampubliko at pampribadong paaralan sa Lungsod ng San Fernando, La Union. Layunin nitong ipakita ang antas ng kahusayan ng mga guro sa paggamit ng makabagong Ortograpiyang Filipino at tukuyin ang mga hamong kanilang kinahaharap sa pagtuturo nito. Ginamit sa pananaliksik ang mga estadistikang pamamaraan tulad ng frequency count, mean, percentage, at ranking upang sistematikong masuri ang mga tugon ng mga kalahok. Lumabas sa resulta na ang pangunahing suliranin ng mga guro ay ang kakulangan sa kaalaman at hindi pamilyaridad sa kasalukuyang panuntunan ng Ortograpiyang Filipino. Marami sa kanila ang hindi pa ganap na bihasa sa mga bagong gabay na itinakda ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), partikular ang Ortograpiyang Pambansa. Bunga nito, nakita ang pangangailangan ng interbensyon. Isinagawa ang isang seminar upang paunlarin ang kasanayan ng mga guro sa ortograpiya. Tinalakay dito ang mahahalagang aspeto gaya ng tamang paggamit ng tuldik, wastong pagbabantas, pagbaybay, paggamit ng hiram na salita, at iba pang kaugnay na paksa. Layunin ng seminar na itama ang maling kaalaman at linawin ang mga reporma sa wika. Sa kabuuan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng tuluy-tuloy na propesyonal na pag-unlad ng mga guro sa wikang Filipino. Ipinapakita rin na ang sapat na kaalaman sa ortograpiya ay mahalaga upang maging epektibo ang pagtuturo at higit na mapalalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa wikang pambansa.
Schlagwörter
Zitieren
APA
Bueno, & H., M. J. (2025). SIPAT SA DANAS: KASANAYAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NG MGA GURO SA SEKONDARYA. Knowledge Commons (Lakehead University). https://doi.org/10.17613/6r6ng-yv884
Vancouver
Bueno, H. MJ. SIPAT SA DANAS: KASANAYAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NG MGA GURO SA SEKONDARYA. Knowledge Commons (Lakehead University). 2025. doi:10.17613/6r6ng-yv884
BibTeX
@article{Bueno2025,
author = {Bueno and H., Mary Joyce},
title = {SIPAT SA DANAS: KASANAYAN SA ORTOGRAPIYANG FILIPINO NG MGA GURO SA SEKONDARYA},
journal = {Knowledge Commons (Lakehead University)},
year = {2025},
doi = {10.17613/6r6ng-yv884}
}
EUVIMED