Reader-response approach sa pag-unawa ng alamat sa Filipino 7
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (4)
DOI: 10.69651/pijhss05041666 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Jolly Cordilla.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong masuri ang bisa ng Reader-Response Approach sa pag-unawa ng alamat ng mga mag-aaral sa Filipino 7 sa San Agustin National High School, Sagbayan, Bohol sa taong panuruan 2026–2027. Gumamit ang pananaliksik ng quasi-experimental research design, partikular ang One-Group Pretest-Posttest Design, upang matukoy ang pagkakaiba ng pagganap ng mga mag-aaral bago at pagkatapos gamitin ang nasabing dulog. Animnapung (60) mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral. Ginamit bilang instrumento ang paunang pagganap, panghuling pagganap, at talatanungang Likert Scale. Ang mga nakalap na datos ay sinuri gamit ang mean, standard deviation, paired samples t-test, dalas, at bahagdan. Batay sa resulta ng paunang pagganap gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo, nagtamo ang mga mag-aaral ng antas na Nagsisimula (Beginning) sa pag-isa-isa ng mga tauhan sa binasang alamat (M=37, SD=7.77), pagtukoy ng mahahalagang pangyayari sa alamat (M=36, SD=6.47), at pagpapaliwanag ng mahahalagang pangyayari sa alamat (M=35, SD=5.02). Matapos gamitin ang Reader-Response Approach, umangat ang kanilang pagganap sa pag-isa-isa ng mga tauhan (M=63, SD=7.01), pagtukoy ng mahahalagang pangyayari (M=67, SD=6.71), at pagpapaliwanag ng mahahalagang pangyayari (M=74, SD=6.16). Ipinakita rin ng paired samples t-test na may makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pauna at panghuling pagganap ng mga mag-aaral (p < .001). Dagdag pa rito, nagpakita ang mga respondente ng positibong saloobin sa paggamit ng Reader-Response Approach. Sa kabuuan, napatunayang epektibo ang Reader-Response Approach sa pagpapaunlad ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa alamat. Bunga nito, nabuo ang isang Pinagyamang Hulwarang Aralin bilang kagamitang pampagtuturo at interbensiyon upang higit pang mapaunlad ang pag-unawa sa alamat ng mga mag-aaral sa Filipino 7.
Zitieren
APA
Cordilla, J. (2026). Reader-response approach sa pag-unawa ng alamat sa Filipino 7. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(4). https://doi.org/10.69651/pijhss05041666
Vancouver
Cordilla J. Reader-response approach sa pag-unawa ng alamat sa Filipino 7. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(4). doi:10.69651/pijhss05041666
BibTeX
@article{Cordilla2026,
author = {Cordilla, Jolly},
title = {Reader-response approach sa pag-unawa ng alamat sa Filipino 7},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {4},
doi = {10.69651/pijhss05041666}
}
EUVIMED