EUVIMEDEUVIMED entdecken
Mixed-Methods-Studie

Pinahusay na pagkatuto ng wikang Filipino sa pamamagitan ng artificial intelligence: Isang mixed-methods na ebalwasyon ng pagiging epektibo gamit ang mga pagsusulit sa pagganap at pagtanggap sa teknolohiya

Ana Aubrey Porlas

Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (3)

DOI: 10.69651/pijhss05031265 ↗

Kurz gefasst

Mixed-Methods-Studie in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Ana Aubrey Porlas.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Ang pag-aaral na ito na gumamit ng pinagsamang kuwantitatibo at kuwalitatibong pamamaraan (mixed-methods) ay nagsuri sa pagiging epektibo ng isang platapormang pinahusay ng Artificial Intelligence (AI) para sa pagkatuto ng wikang Filipino sa mga mag-aaral sa antas tersiyarya sa isang pampublikong unibersidad sa Cebu, Pilipinas. Isinagawa ang pananaliksik gamit ang convergent parallel mixed-methods na disenyo, kung saan ang kuwantitatibong bahagi ay gumamit ng quasi-experimental na pretest-posttest nonequivalent group design, samantalang ang kuwalitatibong bahagi ay gumamit ng tematikong pagsusuri sa mga repleksiyon ng mga mag-aaral at mga Focus Group Discussion (FGD). Kabuuang walumpu't dalawa (82) na mag-aaral ang lumahok sa loob ng labindalawang (12) linggong semestre, kung saan apatnapu't dalawa (42) ang kabilang sa eksperimental na pangkat na gumamit ng AIenhanced na plataporma at apatnapu (40) naman ang kabilang sa pangkat na kontrol na tumanggap ng tradisyunal na paraan ng pagtuturo. Isinakatuparan ang Technology Acceptance Model (TAM) sa pamamagitan ng isang balidado na siyam (9) na item na Likert na talatanungan na ibinigay sa mga kalahok ng eksperimental na pangkat sa pagtatapos ng semestre. Ipinakita ng mga resulta ang estadistikal na makabuluhang pagtaas ng mga marka sa post-test sa lahat ng limang sinuring larangan, kabilang ang pag-unawa sa binasa, gramatika at estruktura, talasalitaan, kasanayan sa pagsulat, at kasanayan sa pakikinig, na pawang pumabor sa eksperimental na pangkat. Ang kabuuang mean gain ng eksperimental na pangkat ay +16.5 kumpara sa +8.2 ng pangkat na kontrol (p < .001). Ang mga sukat ng epekto (effect sizes) ay pare-parehong mataas (Cohen's d = 0.73–1.23). Ipinakita rin ng resulta ng TAM survey ang mataas na antas ng pagtanggap ng mga kalahok sa paggamit ng AI-enhanced na plataporma (M = 4.21, SD = 0.80; Cronbach's α = .87), kung saan lumitaw ang Perceived Usefulness bilang may pinakamataas na mean (M = 4.29). Pinatunayan ng multiple regression analysis na ang Perceived Usefulness ang may pinakamalakas at makabuluhang ambag sa pagganap sa posttest (β = .41, p < .001), na sinundan ng Perceived Ease of Use (β = .26) at Prior Technology Exposure (β = .18). Mula sa kuwalitatibong pagsusuri, lumitaw ang limang pangunahing tema: mas mataas na antas ng pakikilahok at likas na motibasyon sa pagkatuto, pagpapahalaga sa personalisadong pagbibigay ng puna o feedback, pagbawas sa pagkabalisa sa paggamit ng wika, mga hamong dulot ng konektibidad at mga suliraning teknikal, at mga pangamba hinggil sa pagiging autentiko ng kulturang kinakatawan sa nilalaman ng plataporma. Nag-aambag ang pag-aaral na ito ng napapanahon at empirikal na ebidensiya sa umuusbong na literatura tungkol sa AI-enhanced na pagkatuto ng wika sa mataas na edukasyon sa Pilipinas, habang binibigyang-diin ang mga usapin ng pagkakapantay-pantay at wastong representasyong pangkultura bilang mahahalagang aspektong dapat pang higit na mapaunlad sa pagdidisenyo ng mga teknolohiyang pang-edukasyon.

Zitieren

APA

Porlas, A. A. (2026). Pinahusay na pagkatuto ng wikang Filipino sa pamamagitan ng artificial intelligence: Isang mixed-methods na ebalwasyon ng pagiging epektibo gamit ang mga pagsusulit sa pagganap at pagtanggap sa teknolohiya. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(3). https://doi.org/10.69651/pijhss05031265

Vancouver

Porlas AA. Pinahusay na pagkatuto ng wikang Filipino sa pamamagitan ng artificial intelligence: Isang mixed-methods na ebalwasyon ng pagiging epektibo gamit ang mga pagsusulit sa pagganap at pagtanggap sa teknolohiya. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(3). doi:10.69651/pijhss05031265

BibTeX
@article{Porlas2026,
  author = {Porlas, Ana Aubrey},
  title = {Pinahusay na pagkatuto ng wikang Filipino sa pamamagitan ng artificial intelligence: Isang mixed-methods na ebalwasyon ng pagiging epektibo gamit ang mga pagsusulit sa pagganap at pagtanggap sa teknolohiya},
  journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
  year = {2026},
  volume = {5},
  number = {3},
  doi = {10.69651/pijhss05031265}
}
Kostenlos starten →