Bokabularyong estratehiya at komprehensiyon sa pagbasa para sa Grade 7
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss0502980 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 2026. Verfasst von Laila Hernandez und 1 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang epekto ng bokabularyong estratehiya sa komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Baitang 7. Partikular nitong tinukoy ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ipatupad ang interbensyon, kung may makabuluhang pagbabago sa kanilang kakayahan sa pagbasa, at ang mga hamong naranasan nila sa paggamit ng mga estratehiyang bokabularyo. Gumamit ang pagaaral ng pinagsamang kwantitatibo at kwalitatibong pamamaraan. Sa bahaging kwantitatibo, isinagawa ang pre-test at post-test upang masukat ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral bago at pagkatapos ng implementasyon ng bokabularyong estratehiya. Samantala, sa bahaging kwalitatibo, ginamit ang journal reflection at panayam upang matukoy ang mga karanasan at hamong hinarap ng mga mag-aaral sa proseso ng paggamit ng mga estratehiya. Ang mga kalahok sa pag-aaral ay binubuo ng 96 na mag-aaral sa Baitang 7. Batay sa pangkalahatang resulta ng pag-aaral, lumitaw na bago ipatupad ang interbensyon, ang antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral ay iba-iba at karamihan ay nasa mababa hanggang katamtamang antas. Matapos ipatupad ang bokabularyong estratehiya, napagalamang may pagpapabuti sa antas ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral, na nagpapakita ng positibong epekto ng interbensyon. Ipinakita rin ng pagsusuri na may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng komprehensyon sa pagbasa bago at pagkatapos ng interbensyon. Sa kwalitatibong datos, natukoy ang mga hamon tulad ng kahirapan sa pagunawa, limitadong bokabularyo, kahirapan sa pagpapahayag, kakulangan sa gabay, kawalan ng kumpiyansa, at limitasyon sa oras. Sa kabuuan, ang bokabularyong estratehiya ay epektibong interbensyon sa pagpapabuti ng komprehensyon sa pagbasa ng mga mag-aaral sa Grade 7.
Zitieren
APA
Hernandez, L., & Pon-elban, D. (2026). Bokabularyong estratehiya at komprehensiyon sa pagbasa para sa Grade 7. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss0502980
Vancouver
Hernandez L, Pon-elban D. Bokabularyong estratehiya at komprehensiyon sa pagbasa para sa Grade 7. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss0502980
BibTeX
@article{Hernandez2026,
author = {Hernandez, Laila and Pon-elban, Dolly},
title = {Bokabularyong estratehiya at komprehensiyon sa pagbasa para sa Grade 7},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss0502980}
}
EUVIMED