Diskursong pagsusuri sa code-mixing sa Threads app
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences) · 01.01.2026 · 5 (2)
DOI: 10.69651/pijhss05021178 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), online erschienen am 01.01.2026. Verfasst von Jamila Esmail und 4 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa diskursong pagsusuri ng code-mixing sa mga post sa Threads App. Layunin nitong matukoy ang mga uri ng code-mixing na ginagamit ng mga netizen, ang mga dominanteng wikang ginagamit sa platform, at maihambing ang paggamit nito sa iba pang pag-aaral tungkol sa code-mixing sa social media. Gumamit ang pananaliksik ng kwalitatibo at deskriptibong disenyo, partikular ang diskursong pagsusuri, upang masuri ang nilalaman ng mga piling post mula sa Threads App. Sa pangangalap ng datos, pumili ng tatlumpu (30) hanggang limampung (50) pampublikong post na naglalaman ng paghahalo ng Filipino at Ingles. Natuklasan sa pag-aaral na ang intra-sentential code-mixing ang pinakakaraniwang uri ng code-mixing na ginagamit ng mga netizen, kasunod ang lexical borrowing, inter-sentential, at tag-switching. Lumabas din na nangingibabaw ang paggamit ng Taglish bilang pangunahing anyo ng komunikasyon sa Threads App sapagkat mas natural, mabilis, at epektibo itong gamitin sa pagpapahayag ng ideya at damdamin. Ipinakita rin ng pag-aaral na ang code-mixing ay hindi lamang simpleng paghahalo ng wika kundi isang estratehiya ng komunikasyon na nagpapakita ng identidad, emosyon, at pakikiangkop ng mga gumagamit sa makabagong digital na diskurso. Sa kabuuan, pinatutunayan ng pag-aaral na mahalagang bahagi na ng komunikasyon sa social media ang code-mixing at patuloy itong umuunlad kasabay ng pagbabago ng teknolohiya at wikang ginagamit ng mga tao.
Zitieren
APA
Esmail, J., Mundig, R., Palawan, F., Yahya, J., & Pandapatan, A. (2026). Diskursong pagsusuri sa code-mixing sa Threads app. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences), 5(2). https://doi.org/10.69651/pijhss05021178
Vancouver
Esmail J, Mundig R, Palawan F, Yahya J, Pandapatan A. Diskursong pagsusuri sa code-mixing sa Threads app. Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences). 2026;5(2). doi:10.69651/pijhss05021178
BibTeX
@article{Esmail2026,
author = {Esmail, Jamila and Mundig, Roselainie and Palawan, Failah and Yahya, Junairah and Pandapatan, Alican},
title = {Diskursong pagsusuri sa code-mixing sa Threads app},
journal = {Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)},
year = {2026},
volume = {5},
number = {2},
doi = {10.69651/pijhss05021178}
}
EUVIMED