EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

SIPAT-SALIKSIK: PAGTATAYA SA KABISAAN NITO BILANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL

Kavin Tipay

LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 15.05.2026

DOI: 10.65494/ppsluntian.3 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 15.05.2026. Verfasst von Kavin Tipay.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Nilalayon ng pag-aaral na ito na mataya ang kabisaan at antas ng pagtanggap sa Sipat-Saliksik bilang kagamitang pampagtuturo sa asignaturang Pananaliksik para sa mga mag-aaral ng Senior High School. Sinisikap nitong mailarawan ang antas ng performans ng mga mag-aaral, matukoy ang makabuluhang pagkakaiba ng resulta ng pagsusulit, at malaman ang antas ng pagtanggap sa materyal batay sa nilalaman, hikayat, pagkakaayos, at kahalagahan. Ginamit ang disenyong Evaluative Research at kinasangkutan ng isangdaang (100) mag-aaral mula sa ika-11 na baitang ng Benigno S. Aquino National High School sa pamamagitan ng purposive sampling. Ginamit bilang instrumento ang binuong modyul, pagsusulit (pretest at posttest), at talatanungan upang makakalap ng sapat na datos para sa pagsusuring estadistikal. Natuklasan sa pagsusuri na ang antas ng performans ng mga mag-aaral ay makabuluhang umunlad mula sa markang Di-mahusay (5.48 mean) sa pretest patungong Pinakamahusay (26.38 mean) sa posttest. Ang antas ng pagtanggap sa modyul ay nakakuha ng interpretasyong Lubhang Mataas sa lahat ng aspekto, na nagpapatunay na ang materyal ay organisado, kawili-wili, at napakahalaga sa proseso ng pagkatuto. Batay sa mga natuklasan, napatunayang ang modyul ay isang mabisang instrumento sa pagtuturo na nakatutugon sa pangangailangan ng kurikulum at ng mga mag-aaral. Inaasahang makatutulong ang nabuong kagamitan sa pagpapaigting ng kalidad ng edukasyon at pagpapaunlad ng kasanayan sa pananaliksik sa konteksto ng asignaturang Filipino.

Zitieren

APA

Tipay, K. (2026). SIPAT-SALIKSIK: PAGTATAYA SA KABISAAN NITO BILANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.3

Vancouver

Tipay K. SIPAT-SALIKSIK: PAGTATAYA SA KABISAAN NITO BILANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.3

BibTeX
@article{Tipay2026,
  author = {Tipay, Kavin},
  title = {SIPAT-SALIKSIK: PAGTATAYA SA KABISAAN NITO BILANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL},
  journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
  year = {2026},
  doi = {10.65494/ppsluntian.3}
}
Kostenlos starten →