EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL

Quinset Mary Bausing, Denzel Mark Ciruela

LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 28.05.2026

DOI: 10.65494/ppsluntian.14 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 28.05.2026. Verfasst von Quinset Mary Bausing und 1 weiteren Autor:innen.

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang epektibong paggamit ng code-switching bilang estratehiya sa diskurso ng klase upang mapataas ang antas ng pag-unawa at akademikong pagganap sa Matematika ng 22 piling mag-aaral sa Baitang 1 ng Danao Elementary School na nasa antas na "full refresher." Ginamit sa pag-aaral ang A-B-A-B Single-Subject Experimental Design upang sistematikong ihambing ang gawi ng mga mag-aaral sa ilalim ng baseline (A), interbensyon (B), at withdrawal na mga yugto. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng purposive sampling at validated self-made questionnaires. Ginamit ang Mean, Standard Deviation, Wilcoxon Signed-Rank Test, at Repeated Measures ANOVA para sa pagsusuring estadistikal. Natuklasan sa pag-aaral na ang antas ng masteri ng mga mag-aaral bago ang interbensyon ay nasa "Did Not Meet Expectations" (72% transmuted score). Sa paglalapat ng code-switching, umakyat ang mean score mula 6.50 tungong 8.09 (Very Satisfactory). Gayunpaman, bumagsak ito sa 5.64 (Did Not Meet Expectations) noong yugto ng withdrawal, ngunit muling nakabangon sa 8.68 (Outstanding) sa huling interbensyon. Ang Wilcoxon Signed-Rank Test ay nagpakita ng makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pre-test at post-test (p < .001) na may perfect effect size na 1.00. Ang ANOVA (F=43.3, p < .001) ay nagpapatunay din ng direktang impluwensya ng wika sa pagganap ng mga bata. Bilang konklusyon, ang code-switching ay isang mabisang kagamitang pampagtuturo na nagpapadali sa pag-unawa ng mga teknikal na konsepto sa Matematika. Gayunpaman, ang pag-unlad ng mga mag-aaral ay nakadepende sa konsistensi ng paggamit nito. Inirerekomenda ng pag-aaral ang opisyal na paggamit ng code-switching sa pagtuturo, pagbuo ng mga dual-language instructional materials, at pagsasagawa ng mga linguistic sensitivity workshops para sa mga guro. Iminumungkahi rin sa Kagawaran ng Edukasyon na muling suriin ang mga patakaran sa wika upang gawing mas inklusibo ang pagtuturo sa mga asignaturang teknikal.

Zitieren

APA

Bausing, Q. M., & Ciruela, D. M. (2026). PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.14

Vancouver

Bausing QM, Ciruela DM. PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.14

BibTeX
@article{Bausing2026,
  author = {Bausing, Quinset Mary and Ciruela, Denzel Mark},
  title = {PAGTATAYA NG ANTAS NG CODE-SWITCHING SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA MATEMATIKA NG DANAO ELEMENTARY SCHOOL},
  journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
  year = {2026},
  doi = {10.65494/ppsluntian.14}
}
Kostenlos starten →