PAGBUO NG TERMINOLOHIYANG PANGGAMOT SA FILIPINO MULA SA KONSEPTO NG KATUTUBONG PAGPAPAGALING
LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino · 28.05.2026
DOI: 10.65494/ppsluntian.13 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino, online erschienen am 28.05.2026. Verfasst von Jean Barquin und 1 weiteren Autor:innen.
Abstract (Originalsprache)
Nilayon ng kwalitatibo at etnograpikong pananaliksik na ito na makabuo ng mga angkop na terminolohiyang panggamot sa wikang Filipino mula sa mga katutubong konsepto ng pagpapagaling ng mga Surigaonon. Ginamit sa pag-aaral ang purposive sampling sa pagpili ng mga impormanteng binubuo ng mga tradisyunal na manggagamot o mananambal, nakatatandang miyembro ng komunidad, at mga karaniwang gumagamit ng tradisyunal na gamot upang maunawaan ang malalim na konteksto, paniniwala, at indihinus na kasanayan bago ang aktwal na pagsasalin. Natuklasan sa pag-aaral na bumubuo sa isang komprehensibo at holistikong sistema ng kalusugan ang mga leksikal na katawagan sa tradisyunal na panggagamot na nag-uugnay sa pisikal, metapisikal, at sosyo-kultural na aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Nagpapakita ng mataas na antas ng espesyalisasyon ang mga terminong ito, partikular sa pangangalaga sa mga kababaihan at bata tulad ng paldo, talimughat, at tawas, pati na sa mga karamdamang may pinag-ugatang espiritwal tulad ng barang, botas, at lukbit. Nagpapatunay sa pagiging isang sistematikong sining at katutubong agham ang pagkakaroon ng mga tiyak na metodolohiya gaya ng tandok, tuob, palina, at tayhop. Nagsisilbi ring direktang instruksyon at lingguwistikong mapa ng manipulasyon at ritwal ang etimolohiya ng mga salitang katulad ng tutho at paspas. Sa aspetong morpolohikal, nangingibabaw ang mga payak na anyo at morpemang malaya para sa mga materyales at ritwal na aksyon. Nagpapatunay ang mga positibong resulta na hindi lamang payak na bokabularyo ang mga katawagang etnomedikal kundi isang matibay na repositoryo ng kultural na identidad at organisadong lingguwistikong pundasyon. Inirerekomenda ng pananaliksik ang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa tradisyunal na medisina, malalim na pagsusuri ng mga mag-aaral, integrasyon ng mga guro sa kurikulum ng Filipino at Agham, at pagpapalawak ng mga susunod na mananaliksik sa saklaw nito upang makabuo ng isang komprehensibong diksyunaryo ng etnomedisina sa Pilipinas.
Zitieren
APA
Barquin, J., & Ciruela, D. M. (2026). PAGBUO NG TERMINOLOHIYANG PANGGAMOT SA FILIPINO MULA SA KONSEPTO NG KATUTUBONG PAGPAPAGALING. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. https://doi.org/10.65494/ppsluntian.13
Vancouver
Barquin J, Ciruela DM. PAGBUO NG TERMINOLOHIYANG PANGGAMOT SA FILIPINO MULA SA KONSEPTO NG KATUTUBONG PAGPAPAGALING. LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino. 2026. doi:10.65494/ppsluntian.13
BibTeX
@article{Barquin2026,
author = {Barquin, Jean and Ciruela, Denzel Mark},
title = {PAGBUO NG TERMINOLOHIYANG PANGGAMOT SA FILIPINO MULA SA KONSEPTO NG KATUTUBONG PAGPAPAGALING},
journal = {LUNTIAN Pambansang Dyornal ng Pananaliksik at Pag-aaral sa Pag-unlad ng Wikang Filipino},
year = {2026},
doi = {10.65494/ppsluntian.13}
}
EUVIMED