DIGITAL CORPUS NG KABATAANG GEN Z: Isang Multimodal at Searchable Corpus ng Makabagong Filipino
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.6 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Ramil C. Melo. Die Arbeit nennt 13 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Ang paglaganap ng teknolohiyang digital at social media ay nagdulot ng mga pagbabago sa paggamit, pagbuo, at pagpapakahulugan sa wikang Filipino ng kabataang Generation Z (Gen Z). Layunin ng pag-aaral na makabuo ng isang multimodal, searchable, at linguistically annotated digital corpus na nagdodokumento sa mga makabagong anyo ng wikang ginagamit ng kabataan sa digital na komunikasyon. Kabilang sa mga layunin nito ang pagtipon at pag-oorganisa ng mga piling digital na teksto, pagtatala ng mga salitang balbal, bagong likhang salita, daglat, ekspresyon, code-switching, at iba pang katangiang lingguwistiko, gayundin ang pagsusuri sa mga gamit at kahulugan ng mga ito batay sa konteksto. Inilalahad sa korpus ang mga tala ng salita, tuwirang pahayag, kategorya, tema, mahahalagang salita, at mga anotasyong lingguwistiko at pragmatiko upang mapadali ang paghahanap at pagsusuri ng datos. Mula sa pagsusuri, lumitaw ang pitong pangunahing tema: wikang Filipino bilang pagpapahayag ng identidad; daluyan ng pananaw at pakikilahok; dinamismo ng wika at kulturang digital ng kabataan; instrumento ng digital na pakikipag-ugnayan; pag-angkop ng wika sa kausap, sitwasyon, at plataporma; pagbabago at eksperimentasyon sa wikang Filipino; at ugnayan ng digital at pormal na diskurso. Ipinakikita ng mga temang ito na ang Filipino ay nananatiling mahalagang wika ng pagkakakilanlan, pagpapahayag ng saloobin, at pakikipag-ugnayan, habang patuloy na umaangkop sa mga impluwensiya ng teknolohiya at kulturang digital. Inilalahad din ng korpus ang kahalagahan ng responsableng pangangalap, pagdodokumento, at paggamit ng datos, kabilang ang pagprotekta sa pribadong impormasyon at pagtiyak sa pagiging kompidensiyal ng mga kalahok. Sa kabuuan, ang nabuong digital corpus ay maaaring magsilbing sanggunian sa pagtuturo, pagkatuto, at pananaliksik sa Filipino, lingguwistika, komunikasyon, at kulturang digital, gayundin sa pagbuo ng mga kagamitang pampagkatutong nakaangkla sa aktuwal na karanasan ng Kabataan.
Zitieren
APA
Melo, R. C. (2026). DIGITAL CORPUS NG KABATAANG GEN Z: Isang Multimodal at Searchable Corpus ng Makabagong Filipino. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.6
Vancouver
Melo RC. DIGITAL CORPUS NG KABATAANG GEN Z: Isang Multimodal at Searchable Corpus ng Makabagong Filipino. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.6
BibTeX
@article{Melo2026,
author = {Melo, Ramil C.},
title = {DIGITAL CORPUS NG KABATAANG GEN Z: Isang Multimodal at Searchable Corpus ng Makabagong Filipino},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.6}
}
EUVIMED