Ang Kabisaan ng Paggamit ng Differentiated Instruction sa Pagtuturo ng Filipino sa Lahat ng Pampublikong Paaralan Antas Sekondarya sa Purok ng Polangui North, Sangay ng Albay
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.3 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Racquel R. Sabordo. Die Arbeit nennt 19 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Layunin ng pag-aaral na masuri ang kabisaan ng paggamit ng Differentiated Instruction (DI) sa pagtuturo ng Filipino, matukoy ang mga hamong nararanasan ng mga guro, at makabuo ng mga rekomendasyong pampolisiya. Nakaangkla ito sa mga konsepto ng konstruktibismo, Zone of Proximal Development, at pag-aangkop ng pagtuturo sa magkakaibang pangangailangan ng mga mag-aaral. Ginamit ang deskriptibo-ebalwatib-korelasyonal na disenyo at isang talatanungang binuo ng mananaliksik na may 93 aytem. Kabilang sa mga respondyente ang 39 na gurong nagtuturo ng Filipino sa anim na pampublikong paaralang sekondarya sa Purok ng Polangui North, Sangay ng Albay, sa Taong Panuruan 2025–2026. Sinuri ang datos gamit ang weighted mean, ranggo, Kendall Coefficient of Concordance W, at chi-square. Natuklasang mabisang mabisa ang paggamit ng DI, na may pangkalahatang weighted mean na 4.55. Pinakamataas ang pagtataya sa motibasyon (4.66), samantalang pinakamababa ang pag-unawa sa binabasa (4.43). Tinayang pinakamatindi ang mga hamong nararanasan ng mga guro (4.51), partikular ang kakulangan sa kagamitang panturo at teknolohiya (4.63) at kasanayan at kaalaman sa DI (4.52). Natukoy rin ang makabuluhang pagkakasundo ng mga ranggo sa pagtataya ng kabisaan at mga hamon. Iminungkahi ang paggamit ng kagamitang diagnostiko, regular na pagsasanay ng mga guro, sapat na pondo at kagamitan, pleksibleng pagtataya, at pagsusuri sa laki ng klase. Kaugnay ang pag-aaral sa Sustainable Development Goal 4 (Dekalidad na Edukasyon), lalo na sa pagtataguyod ng inklusibong pagtuturo at pagpapaunlad ng mga guro. Maaaring makatulong ang mga natuklasan sa pangmatagalang pagpapahusay ng mga gawaing panturo at patakarang pampaaralan, bagaman nakabatay lamang ang mga ito sa pagtataya ng mga gurong kalahok sa partikular na lokalidad.
Zitieren
APA
Sabordo, R. R. (2026). Ang Kabisaan ng Paggamit ng Differentiated Instruction sa Pagtuturo ng Filipino sa Lahat ng Pampublikong Paaralan Antas Sekondarya sa Purok ng Polangui North, Sangay ng Albay. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.3
Vancouver
Sabordo RR. Ang Kabisaan ng Paggamit ng Differentiated Instruction sa Pagtuturo ng Filipino sa Lahat ng Pampublikong Paaralan Antas Sekondarya sa Purok ng Polangui North, Sangay ng Albay. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.3
BibTeX
@article{Sabordo2026,
author = {Sabordo, Racquel R.},
title = {Ang Kabisaan ng Paggamit ng Differentiated Instruction sa Pagtuturo ng Filipino sa Lahat ng Pampublikong Paaralan Antas Sekondarya sa Purok ng Polangui North, Sangay ng Albay},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.3}
}
EUVIMED