Sosyolohikal na Pagsusuri sa mga Piling Nobela ni Lualhati Bautista: Kagamitang Pagtuturo
TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026
DOI: 10.65339/talos.v1.i2.2 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Melecio V. Tagapia Jr.. Die Arbeit nennt 16 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).
Abstract (Originalsprache)
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang mga sosyolohikal na aspekto ng tatlong piling nobela ni Lualhati Bautista—Gapô, Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?, at Dekada ’70—upang matukoy ang mga nangingibabaw na elementong pampanitikan, temang panlipunan, at pagpapahalagang magsisilbing batayan sa pagbuo ng mungkahing kagamitang panturo sa panitikang Filipino. Ginamit ang kwalitatibong pagdulog at deskriptibo-analitikal na disenyo na nakabatay sa mga teoryang Sosyolohikal, Feminismo, Marxismo, at Postkolonyalismo. Isinagawa ang dokumentaryong pagsusuri gamit ang Content Analysis Checklist, Thematic Analysis Guide, at Krayterya sa Pagsusuri ng Pagpapahalagang Moral. Sinuri ang mga datos sa pamamagitan ng kwalitatibong pagsusuri sa nilalaman, tematikong pagsusuri, at integratibo at komparatibong pagsusuri. Natuklasan na nangibabaw sa Gapô ang kolonyalismo, rasismo, at krisis sa pagkakakilanlan; sa Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?, ang patriyarkiya, kalayaan, at pananagutan ng kababaihan; at sa Dekada ’70, ang politikal na pagkamulat, aktibismo, at karanasan sa panahon ng Batas Militar. Lumitaw din ang mga pagpapahalagang kultural, pampolitika, pang-ekonomiya, at pang-espiritwal na nagpapakita ng ugnayan ng personal na karanasan at lipunang Pilipino. Iminumungkahi ang paggamit ng mga nobela bilang kagamitang panturo at pagpapalawak ng pagsusuri sa iba pang akdang pampanitikan. Kaugnay ang pag-aaral sa SDG 4 (De-kalidad na Edukasyon), SDG 5 (Pagkakapantay-pantay ng Kasarian), at SDG 16 (Kapayapaan, Katarungan, at Matatag na mga Institusyon). Ang potensiyal na ambag nito sa napapanatiling pag-unlad ay nakatuon sa pagpapaunlad ng edukasyon, pagpapahalaga sa kulturang Pilipino, at pagpapalalim ng kamalayang panlipunan. Gayunman, hindi pa nasusukat ang aktuwal na bisa ng mungkahing kagamitang panturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Zitieren
APA
Jr., M. V. T. (2026). Sosyolohikal na Pagsusuri sa mga Piling Nobela ni Lualhati Bautista: Kagamitang Pagtuturo. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.2
Vancouver
Jr. MVT. Sosyolohikal na Pagsusuri sa mga Piling Nobela ni Lualhati Bautista: Kagamitang Pagtuturo. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.2
BibTeX
@article{Jr2026,
author = {Jr., Melecio V. Tagapia},
title = {Sosyolohikal na Pagsusuri sa mga Piling Nobela ni Lualhati Bautista: Kagamitang Pagtuturo},
journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
year = {2026},
doi = {10.65339/talos.v1.i2.2}
}
EUVIMED