EUVIMEDEUVIMED entdecken
Open Access · CC BY 4.0

Pagdalumat sa Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Mula sa Tradisyunal Tungo sa Makabagong Kagamitang Pampagtuturo

Himeji-Ken V. Dela Peña

TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development · 2026

DOI: 10.65339/talos.v1.i2.1 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development, 2026. Verfasst von Himeji-Ken V. Dela Peña. Die Arbeit nennt 19 Literaturangaben. Der Volltext ist frei zugänglich (Open Access, CC BY 4.0).

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Sinuri sa pag-aaral na ito ang karanasan, mga hamon, at pangangailangan ng mga guro sa paggamit ng tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo sa Filipino bilang batayan sa pagbuo ng mungkahing programang pang-extension. Gumamit ng deskriptibong disenyo at purposive sampling na nilahukan ng apatnapung (40) gurong nagtuturo sa antas elementarya, Junior High School, Senior High School, at kolehiyo sa Consolacion at Liloan Districts, Cebu. Nakalap ang datos sa pamamagitan ng talatanungang ipinamahagi gamit ang Google Forms at sinuri gamit ang estadistikang deskriptibo. Natuklasang mas madalas gamitin ang tradisyunal na kagamitan (M=3.52) kaysa sa makabagong kagamitan (M=3.10). Nanguna sa paggamit ang pisara (M=4.35), tekstong nakalimbag (M=4.25), aklat sa Filipino (M=4.23), PowerPoint (M=4.23), at bidyong pang-edukasyon (M=4.08). Naitala ang mataas na antas ng karanasan ng mga guro (M=3.65), katamtamang hamon (M=3.36), at mataas na pangangailangan sa pagpapaunlad ng kasanayan (M=4.19). Pangunahing hamon ang hindi sapat na koneksiyon sa internet at hindi pantay na akses sa teknolohiya (M=3.85), samantalang pinakamataas na pangangailangan ang pagsasanib ng tradisyunal at makabagong kagamitan (M=4.58). Iminumungkahi ang programang GuroFIL upang mapahusay ang kasanayan ng mga guro sa paggamit at integrasyon ng mga kagamitang pampagtuturo. Kaugnay ang pag-aaral sa SDG 4 (Dekalidad na Edukasyon), SDG 9 (Industriya, Inobasyon, at Imprastraktura), at SDG 10 (Pagbawas ng Hindi Pagkakapantay-pantay). Nagbibigay ito ng batayan sa napapanatiling pagpapaunlad ng edukasyon, teknolohikal na kakayahan, at suportang institusyonal habang pinahahalagahan ang wikang Filipino at ang inklusibong pagkatuto.

Zitieren

APA

Peña, H. V. D. (2026). Pagdalumat sa Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Mula sa Tradisyunal Tungo sa Makabagong Kagamitang Pampagtuturo. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. https://doi.org/10.65339/talos.v1.i2.1

Vancouver

Peña HVD. Pagdalumat sa Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Mula sa Tradisyunal Tungo sa Makabagong Kagamitang Pampagtuturo. TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development. 2026. doi:10.65339/talos.v1.i2.1

BibTeX
@article{Pea2026,
  author = {Peña, Himeji-Ken V. Dela},
  title = {Pagdalumat sa Karanasan ng mga Guro sa Pagtuturo ng Filipino: Mula sa Tradisyunal Tungo sa Makabagong Kagamitang Pampagtuturo},
  journal = {TALÓS: Philippine Journal of Language, Culture, and Sustainable Development},
  year = {2026},
  doi = {10.65339/talos.v1.i2.1}
}
Kostenlos starten →