Propesyonal na Kalagayan at Pag-Angkop ng mga Guro ng Filipino Matapos ang Pagtanggal ng Filipino sa General Education: Isang Multiple-Case Study
WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches · 23.11.2026 · 1 (3) · 23-52
DOI: 10.64358/jeqx0x97 ↗Kurz gefasst
Fachartikel in der Zeitschrift WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches, online erschienen am 23.11.2026. Verfasst von CECILLE TIRAMBULO.
Abstract (Originalsprache)
Ang kwalitatibong multiple-case study na ito ay naglalayong suriin ang mga karanasan, epekto, estratehiya ng pag-angkop, at pagbabago sa propesyonal na identidad at tungkulin ng mga guro ng Filipino matapos ang pagtanggal ng Filipino sa General Education sa Davao Region. Isinagawa ang pangangalap ng datos noong Hunyo 2026, na nilahukan ng limang pangunahing kalahok at sampung key informants na pinili batay sa kanilang karanasan at direktang pagkakaugnay sa pagtuturo ng Filipino sa antas tersiyarya. Sinuri ang bawat kaso sa pamamagitan ng within-case analysis bago isinagawa ang cross-case analysis upang matukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang mga karanasan. Natukoy ang limang pangunahing epekto ng pagbabago: kawalan ng katatagan sa propesyon, pagbabago sa teaching load at tungkulin, kabuhayan at benepisyo, emosyonal at sikolohikal na kalagayan, at propesyonal na ugnayan. Bagaman magkakatulad ang mga hamon, nagkakaiba ang mga kaso sa kanilang mga responsibilidad at paraan ng pag-angkop. Kabilang sa mga estratehiyang iniulat ang pagpapaunlad ng sarili, paghahanda sa pagtuturo, emosyonal na katatagan, kolaborasyon, at inobasyon. Sa kabila ng pagbabago sa mga tungkulin, nanatiling mahalaga sa kanilang propesyonal na identidad ang pagiging guro at dalubhasa sa Filipino. Patuloy din nilang itinaguyod ang paggamit at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa edukasyon. Ipinahihiwatig ng mga natuklasan ang mahalagang papel ng personal na pagsisikap, kolaborasyon, at suportang institusyonal sa pagharap ng mga guro sa mga pagbabagong pangkurikulum at propesyonal.
Zitieren
APA
TIRAMBULO, C. (2026). Propesyonal na Kalagayan at Pag-Angkop ng mga Guro ng Filipino Matapos ang Pagtanggal ng Filipino sa General Education: Isang Multiple-Case Study. WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches, 1(3), 23-52. https://doi.org/10.64358/jeqx0x97
Vancouver
TIRAMBULO C. Propesyonal na Kalagayan at Pag-Angkop ng mga Guro ng Filipino Matapos ang Pagtanggal ng Filipino sa General Education: Isang Multiple-Case Study. WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches. 2026;1(3):23-52. doi:10.64358/jeqx0x97
BibTeX
@article{TIRAMBULO2026,
author = {TIRAMBULO, CECILLE},
title = {Propesyonal na Kalagayan at Pag-Angkop ng mga Guro ng Filipino Matapos ang Pagtanggal ng Filipino sa General Education: Isang Multiple-Case Study},
journal = {WIKATIKAN: Journal of Languages, Literature and Cultural Researches},
year = {2026},
volume = {1},
number = {3},
pages = {23--52},
doi = {10.64358/jeqx0x97}
}
EUVIMED