EUVIMEDEUVIMED entdecken
Crossref

Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural

Alia Ramber, Chem Pantorilla

Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities · 2022

DOI: 10.62071/jssh.v11i.138 ↗

Kurz gefasst

Fachartikel in der Zeitschrift Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities, 2022. Verfasst von Alia Ramber und 1 weiteren Autor:innen. Die Arbeit wurde bisher 1-mal zitiert (Crossref).

AbstractBibliografische AngabenZitierenVerwandte Studien

Abstract (Originalsprache)

Diwa sa diwa ang karaniwang tuon ng mga tagapagsalin sa pagsasalin ng isang teksto. Nagkaroon ito ng paglihis nang sumibol ang kilusang “cultural turn” sa pagsasalin dahil higit na pinahalagahan dito ang lapit-kultural sa pagsasaling-wika. Pangunahing panlantaw sa kilusang ito na maikintal ang kulturang nakapaloob sa teksto kaya ito ang naging sandigan sa ginawang pagsasalin ng Paramata Gandingan, bahagi ng epikong Darangen, mula wikang Meranaw tungo sa wikang Filipino. Sa paggamit ng lapit na ito sa ginawang pagsasalin, igiinit nito ang paglilok sa pamamagitan ng proseso ng pagsasalin ang kultura at kaakohan ng tribong Mëranaw. Sa kabuuan, anim (6) na paraan o teknik ang mahalaga sa pagsasalin ng kultural na materyal gaya ng Paramata Gandingan ito ang: Adapsyon at/o ang Kultural na katumbas, Modulasyon, Amplipikasyon, Naturalisasyon, at ang paghahalo ng higit sa isang teknik na tinatawag na Kuplets. Ipinakita ang kulturang Mëranaw sa pagsasalin sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga kultural na salita tulad ng tonong, torogan, ayonan, datu. Kung hindi man pinanatili ay tinumbasang ito ayon sa pagsasakonteksto sa lipunang Mëranaw. Pinahalagahan ang mga tradisyon at klasikong katawagan sa proseso ng pagsasalin gamit ang iba-ibang teknik upang maitanghal ang kaakohang natatangi sa tribong Mëranaw.

Zitieren

APA

Ramber, A., & Pantorilla, C. (2022). Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural. Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities. https://doi.org/10.62071/jssh.v11i.138

Vancouver

Ramber A, Pantorilla C. Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural. Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities. 2022. doi:10.62071/jssh.v11i.138

BibTeX
@article{Ramber2022,
  author = {Ramber, Alia and Pantorilla, Chem},
  title = {Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural},
  journal = {Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities},
  year = {2022},
  doi = {10.62071/jssh.v11i.138}
}
Kostenlos starten →